Jennifer Lopez maglalabas ng bagong album sa 2023: This is Me…Now

Jennifer Lopez maglalabas ng bagong album sa 2023: This is Me…Now

PHOTO: Instagram/@jlo

MAY bagong album ang iconic singer na si Jennifer Lopez at ilalabas niya ito sa susunod na taon!

Pinamagatan itong “This is me…Now” na isang follow-up sa 2002 studio album na “This is me…Then.”

Ibinandera mismo ng international singer ang kaabang-abang na balita sa Instagram.

Sa video ng kanyang post, makikitang ginawan pa niya ng remake ang cover ng kanyang 2002 album at pagkatapos ay biglang nag transition sa kanyang present album.

Nakalista pa sa IG caption ang 13 songs na tampok sa bagong album.

Heto ang mga titulo ng mga kanta:

1. This Is Me … Now

2. To Be Yours

3. Mad in Love

4. Can’t Get Enough

5. Rebound

6. not. going. anywhere.

7. Dear Ben pt. ll

8. Hummingbird

9. Hearts and Flowers

10. Broken Like Me

11. This Time Around

12. Midnight Trip to Vegas

13. Greatest Love Story Never Told

Sa comment section, makikitang hindi lang fans ang excited sa ilalabas na bagong music ni Jennifer, dahil pati ang ilan sa mga bigating celebrities at personalities ay napa-comment na rin.

Kabilang na riyan sina Lindsay Lohan, pati na rin ang Pinay actress na si Anne Curtis.

Kung maaalala, kabilang sa 2002 album ni Jennifer ang mga kantang “Jenny from the Block” at “All I Have” na inspirasyon sa dating relasyon sa Hollywood actor na si Ben Affleck.

Taong 2003 nang unang ma-engaged ang dalawa, pero nagkahiwalay rin ng ilang buwan.

Noong nakaraang taon naman ay nagkabalikan silang dalawa at ikinasal nitong Hulyo sa Las Vegas sa Amerika.

Related chika:

Jennifer Lopez, Ben Affleck nagpakasal na sa Las Vegas: It’s a beautiful love story that we got a second chance…

Jennifer Lopez, Alex Rodriguez naghiwalay na

Lady Gaga, Jennifer Lopez kakanta sa inagurasyon ni Biden

Read more...