“MAHILIG gumawa ng gimik at may attitude,” ito ang tsika sa amin ng nakakuwentuhan naming Film at TV director tungkol sa baguhang starlet.
Noong ipinakilala ang baguhang starlet sa film at TV direktor ay sobrang bait at masunurin. Pero sa kalaunan ay lumabas na ang tunay nitong ugali.
“Kaya naman pala hindi siya tumagal kay (TV host/actor), binigyan na siya ng exposure binalewala lang niya. Nu’ng nakikilala na kasi siya, dami na niyang dahilan at hindi na sumisipot sa show.
“Hindi naman siya kawalan sa show dahil wala rin naman siyang naitutulong, siya pa nga ang nag-benefit dahil may mga offers niya na unti-unting nawala na rin dahil nalaman nga tunay niyang ugali na puro pakabig tapos biglang hindi sisipot sa shoot.
Daming dahilan kesyo ganito at ganyan, e, nabubuking naman na rumaket pala,” buong kuwento ng aming kausap.
May kumuha raw sa baguhang starlet na maging endorser ng isang produkto at siyempre dapat itong i-post sa social media platform nito pero hindi raw nito sinunod.
“Dalawang beses lang nag-post, e, dapat anim ‘yun for 3 months, dalawang beses kada buwan, e, wala ‘yung last two months nawala na siya. Kaya galit ‘yung kaibigan kong taga-ahensiya hindi na raw siya makakaulit pa,”sabi pa ng film at TV direktor.
Kami ang nanghinayang sa pinakaawalang proyekto ng baguhang starlet dahil international ang produkto kumpleto naman ang bayad sa kanya at hindi pa tumawad daw ang kliyente. Naisip tuloy namin mahirap ba mag-post?
Naalala tuloy namin ang sinabi ng naka-tsikahan naming may-ari ng kilalang food products, “gusto kasi nila (endorsers) may bayad ‘yung bawa’t post nila, e, kasama naman ‘yun sa kontrata at bayad na sila.”
Paano pala ‘yung hindi sumunod sa kontrata kung ilang beses mag-post?
“Susulatan sila ng lawyer pag hindi sila nag-comply may legal action na mangyayari. Hindi ko lang alam kung anong nangyari kay (baguhang starlet) sa last product endorsement niya na hindi siya sumunod sa kontrata,” say ng aming kausap.
Sa kasalukuyan ay wala kaming balitang bagong project ang baguhang starlet dahil kumalat na pala ang mga ginawa niya in the past.