LIST: Mga celebrities at artists na nagwagi sa Awit Awards 2022

LIST: Mga celebrities at artists na nagwagi sa Awit Awards 2022

KAALIW ang mga ganap sa katatapos na 2022 Awit Awards which was presented by the Philippine Association of the Record Industry (PARI) and curated by MYX Global and held at the Newport Performing Arts Theater.

Aliw na aliw kami when Ice Seguerra won the Best Traditional/Contemporary Folk Recording for “Wag Kang Aalis”. Sa kanyang speech, itsinika niyang ang partner na si Liza Dino ang nag-pursige sa kanya na gumawa ng kanta during the pandemic.

Nang paalis na siya sa stage para pumunta backstage matapos magpasalamat, napalingon siya nang i-congratulate siya ng presenter na si Sam Mangubat.

“Thank you Miss Ice,” came Mangubat’s short congratulatory message. Talagang napalingon si Ice pagkasabing-pagkasabi ni Sam.

Si Maris Racal naman ay nanalong Best Regional Recording for “Asa Naman”. In her speech, pinasalamatan niya ang boyfriend na si Rico Blanco for being an inspiration. Nang palakad na siya papuntang backstage, kitang-kita namin na muntik nang mabitawan ni Maris ang hawak niyang glass trophy. Mabuti na lang at mabilis ang kanyang senses, kung hindi basag ang kanyang trophy.

Ang first time winner naman na si Angela Ken who won the Best Inspirational Recording for “Ako Naman Muna”, iyak nan ang iyak nang mabanggit ang pangalan niya. Nakaupo pa lang siya ay cry me a river na ang kanyang drama. Hanggang sa umakyat siya sa stage, cry pa rin siya ng cry, obvious na tears of joy iyon.

‘Yung isang member naman ng Grin Department, pagkahaba-habang speech ang binanatan. The band won Best Novelty Recording for “Chub@by”.

Si Maymay Entrata, another first time Awit winner for Favorite Female Artist, ay nag-deliver din ng may kahabaang speech. Itsinika niya na muntik nang goodbye ang drama niya sa showbiz noong kasagsagan ng pandemic. Ang feeling niya, wala na siyang career hanggang binigyan siya ng pagkakataon na kumanta. Pinasikat niya ang Amakaboger na siyang bumuhay ng kanyang career.

Below at the winners at this year’s Awit Awards

Breakthrough Artist
Belle Mariano
Favorite Song
Sigurado, Belle Mariano
Favorite Male Artist
Darren Espanto
Favorite Female Artist
Maymay Entrata
Best Inspirational Recording
Ako Naman Muna, Angela Ken
Best Jazz Recording
Cutting Candy, Noel Mendez feat. Rancis de Leon, Jack Rufo, Bobby Taylo
Best Novelty Recording
Chub@by, Grin Department
Best Dance Recording
Bazinga, SB19
Best R&B Recording
Anticipation, Leanne & Naara
Best Rap/Hip Hop Recording
Lagi Na Lang (feat. Gloc-9), JRLDM
Best Vocal Arrangement
MAPA, SB19
Best Regional Recording
Asa Naman, Maris Racal
Best Global Recording
What?, SB19
Best World Music Recording
Sabel, Ben&Ben/KZ Tandingan
Best Traditional/Contemporary Folk Recording
Wag Kang Aalis, Ice Seguerra
Best Musical Arrangement
Upuan, Ben&Ben
Best New Artist in a Collaboration
Get Me Down, LouisVint and Juliana Celine
Best Performance by a New Group Recording Artist
Operation 10-90, Shockra
Best Performance by a New Male Recording Artist
Mamahalin, Angelo Garcia
Best Performance by a New Female Recording Artist
Ako Naman, Jessica Villarubin

 

Related Chika:
Moira, Ben&Ben humakot ng tropeo sa 2021 Awit Awards; ‘Paubaya’ waging Song of the Year

Ben&Ben sa paghakot ng tropeo sa Awit Awards: Sulit lahat ng dugo’t pawis namin dito, Liwanag!

Read more...