Health workers nagprotesta, nanawagang taasan ng P33,000 ang basic pay

Health workers nagprotesta, nanawagang taasan ng P33,000 ang basic pay

INQUIRER FILE PHOTO

NAGPROTESTA ang daan-daang health workers sa harap ng Department of Health (DOH) head office sa Maynila nitong November 24.

Ang panawagan nila ay taasan ng P33,000 ang monthly minimum wage ng medical workers na nagtatrabaho sa gobyerno at private sectors.

Bukod diyan ay muli nilang hinihiling na ibigay na ang overdue payment ng kanilang mandatory pandemic benefits.

Kasabay ng pagmartsa sa Maynila ay nagkaroon din ng protesta ang grupo ng mga health workers sa mga probinsya ng Bacolod, Iloilo, Cebu at Baguio.

Ayon pa sa presidente ng Tondo Medical Center Employees Association-AHW na si Ernesto Bulanadi, ito na ang tamang panahon na gawing prayoridad ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagtataas ng mga sahod.

“It is about time [President Marcos] prioritizes the increase of our salaries, especially nowadays that our low salaries are no longer enough to compensate for our daily expenses due to high inflation rate,” Sey ni Bulanadi.

Ipinaliwanag pa niya na ang Grade 1 Salary ng isang government healthcare worker na nasa P12,000 lamang ay talagang hindi sapat lalo na’t patuloy ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin.

Ayon kay Bulanadi, “It’s unfortunate that we had to take these demands to the streets just to hear our clamor for a better life for health-care workers.”

Hindi rin pinalampas ng mga nagprotesta ang isa pa nilang inirereklamo sa gobyerno na karamihan sa kanila ay hindi pa nakakatanggap ng pandemic allowance gaya ng One COVID-19 Allowance (OCA) at health emergency allowance.

Sinabi pa ng presidente ng Jose Reyes Memorial Medical Center Employees Union-AHW na si Cristy Donguines, maraming healthcare workers na ang naghahanap ng trabaho sa ibang bansa para sa mas mainam na benepisyo.

“We don’t deserve to beg for these benefits as these were already provided by law in due recognition of our historical role in battling this pandemic,” sey ni Reyes.

Ayon naman sa pahayag ng DOH, patuloy naman nilang pinamamahagi ang mga benepisyo at allowances ng mga health workers.

Sa katunayan nga raw ay 90% na ang nabigay nila sa mga government hospitals at facilities, habang nasa 40% naman sa mga pribadong sektor.

Related chika:

DOH iginiit ang pagsusuot ng face mask sa mga Christmas gatherings, events

Health workers nainsulto sa pagtalaga kay Camilo Cascolan bilang Usec ng DOH, anyare?

Ice Seguerra pinaiyak ang mga um-attend sa Healthy Pilipinas Short filmfest; Liza Dino super pasalamat sa DOH

Read more...