BTS Jin mag-uumpisa na sa military service, fans naging emosyonal: ‘We will wait for you’

BTS Jin mag-uumpisa sa military service, fans naging emosyonal: ‘We will wait for you’

PHOTO: Instagram/@jin

NAGING emosyonal ang maraming BTS fans sa latest update tungkol kay Jin, ang pinakamatandang miyembro ng K-Pop supergroup.

Ayon kasi sa mga kumakalat na ulat, papasok na si Jin sa military service sa South Korea sa susunod na buwan.

May report din ang South Korean entertainment outlet na “Soompi” na sisimulan ni Jin ang kanyang five weeks basic military training sa Gyeonggi Province sa December 13.

Pagkatapos niyan ay nakatakda naman siyang i-deploy sa “frontline unit.”

As of this writing ay wala pang kumpirmasyon mismo mula sa kanyang talent agency na Bighit Music at sa South Korean Ministry of Defense tungkol sa mga ulat.

Samantala, may post naman si Jin na ibinandera sa fan community app na “Weverse.”

Ang caption ay naka-korean language, pero ayon sa isang netizen na nag-translate ay nananawagan ang K-Pop idol sa kanyang fans na sana ay huwag nang pumunta sa training base upang hindi raw dumami ang tao roon.

Sey sa translated post ni Jin, “Though an article I didn’t want was posted, our ARMYs should not come to the training base.

“There will be many people besides me who will come, so because it will be chaotic/crowded, it could be dangerous.”

Dahil sa balita, nag-trending sa Twitter si Jin at maraming fans ang makikitang nalungkot.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Armys will wait for your return. Best of luck, handsome soldier.”

“Stay safe & healthy! You will be missed by everyone!  See you soon we are literally counting the days.  Can’t wait to see you soon. Take Care”

“We will miss you for sure! Stay healthy & serve well in the military! Fighting Jin! (purple heart emoji)”

Matatandaang noong Oktubre, inanunsyo ng BigHit Music na papasok na sa mandatory military service ng South Korea ang lahat ng BTS members.

Ayon pa nga sa ahensya, unang sasabak sa enlistment si Jin pagkatapos ng kanyang “solo release” na inilabas na noong Oktubre.

Inaasahang muling magsasama ang grupo sa 2025 pagkatapos ng military service.

Related chika:

K-Pop group BTS sasabak na sa ‘mandatory military service’: It’s the perfect time and the members are honored to serve

Solo debut ni BTS Jin na ‘The Astronaut’ humataw sa Billboard charts

First solo single ni BTS Jin na ‘The Astronaut’ umariba sa 97 na bansa, Music video humakot ng milyon-milyong views

Read more...