Mga kongresista, pinabubusisi ang Grab-Move It deal

Mga kongresista, pinabubusisi ang Grab-Move It deal
NANGANGAMBA ang mga kongresista sa tila kaduda-duda na backdoor deal sa pagitan ng Grab Philippines at Move It sa naging hearing kahapon sa Kongreso ng House Committee on Metro Manila Development.

Lala nag panting ang mga kongregista ng aminin ni Philippine Competition Commission (PCC) division chief for notification and acquisition Atty. Juan Antonio Arcilla na patuloy ang fare increases sa channel ng pagpapataw ng fines ng PCC dahlia sa overcharging nito.

Ikinais ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang kabiguan ng PCC na ipagbigay alam ang maanomalya na pag tataas ng Grab sa kabila na ang bansa ang nasa malayo po sa pag-recover na dulot ng pandemya.

“Parang hindi ko yata matanggap na hinihintay ninyo dun sa regulated entity ang kanilang compliance. Nung ako po ay nasa PCC, sinet-up po namin ang sistema para lahat po ng datos sa pricing nakikita po ng mga regulator. Hihintayin natin sila mag-report? Kung ganun ang sistema, alam na po natin ang magiging laman ng report”, pahayag ni Quimbo.

Kasabay nito, inatasan ni din ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua ang Grab at Move It na isumite sa House Committee on Transportation ang mga dokumento ng kanilang naging bentahan o acquisition agreement.

Sinabi din ni Chua na dapat malaman ang estado ng dalawang transportation network vehicle service (TNVS) operator. Dagdag pa nito na malinaw na mali at ilegal at hindi swede ang backdoor entrance na gaya ng ginawa ng Grab at Move it.

Ilan pang mambabatas ang nagpahayag ng pagtutol sa naging backdoor deal ng Grab at Move It, na ayon sa kanila ay dapat mapatawan ng aksyon o parusa.

 

Other stories:
Reklamo vs internet provider, pinaaaksyunan sa PCC Bandera | Bandera (inquirer.net)

Scammer na nambiktima kay Kris may pahabol na fake delivery: Hindi pa rin niya ako tinigilan

Grab nangako kay Kris Bernal, tutulong sa imbestigasyon para mahuli ang scammer

Read more...