MISS na miss na ng komedyanteng si Pooh ang kanyang kaibigan na si Chokoleit na sumakabilang-buhay mahigit tatlong taon na ngayon ang nakararaan.
Napaiyak talaga si Pooh nang mapag-usapan si Chokoleit na namatay nga noong March 9, 2019 dahil sa cardiac arrest.
Nakachikahan ng ilang miyembro ng entertainment media ang Kapatid comedian kamakailan para sa season finale ng programa niyang “Oh My Korona” sa TV5.
Gustung-gusto raw sana niyang makausap ang kaibigang komedyante dahil may mga gusto siyang isumbong dito lalo na ang mga hinarap niyang challenges noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
“Lagi akong nag-aano…sabi ko nga, ang dami kong gustong isumbong kay Chokie. Yung gusto kong pagalitan niya ako, ‘Hoy bakla!’ Kasi hindi ganu’n yon dati, eh.
“Nami-miss ko si Chokoleit. Sobrang na-miss ko. Pero hindi para sumunod ako sa kanya. Ha-hahaha!” pagbabahagi ni Pooh.
“Nami-miss ko siya kasi si Chokie yung, ‘Tangna ka bakla ang aarte-arte mo hindi ka naman masyadong maganda. Wag ka ngang iiyak-iyak diyan.’ Ganun siya, yung ihuhubog ka niyang maging strong.
“Kasi minsan kasi bumibigay ako. Nagkaroon ako ng depression, anxiety, hindi ko alam kung anong gagawin ko and si Chokie lang ang gusto kong mapagsumbungan. Nakikipag-usap ako sa kanya pero hindi naman siya sumagot at ayoko siyang sumagot.
“Sobrang laki ng ano sa akin ni Chokoleit. Yung parang siya lang yung nasusumbungan ko ng totoo kasi siya yung laging nagsasabi ng totoo,” aniya pa.
Pero knows n’yo ba na magkaaway sina Pooh at Chokoleit bago sila naging close sa isa’t isa, “Matagal kaming magkaaway niyan, oo. Nagkaroon daw siya ng insecurity sa akin dati. Di ba, kasi Chokie yan, eh, so pumasok ako, eh.
“Nainis siya, nainggit siya. Sinabi niya sa akin yon, oo. Sabi ko, ‘Bakla ka hindi tayo magkaaway. Magkakampi tayo, magtulungan tayo ngayon.’
“Alam mo, simula nung nagkaroon kami ng grupo nina K (Brosas), doon na-develop, don na-enhance yung friendship namin,” pag-amin ng veteran stand-up comedian.
Dagdag pa niya, “Diyos ko po, ayaw akong kasama no’n. Kapag sasampa ako (sa stage) ayaw niyang ako ang mauuna, tapos ayaw din niyang ako ang mahuhuli. Kasi di ba, ganun yon, eh, ang mahuhuli ikaw yung…ayaw niya nu’n,” chika pa ni Pooh.
Aniya pa, “Pero alam mo nakilala ko siya nu’ng nagka-grupo kami taoos nagkausap kami heart-to-heart. Sabi ko, ‘Ay si Chokoleit talaga totoo. Alam mo ang ugali ni Chokoleit talagang maldita pero talaga kasing ano pala niya yon, defense mechanism niya pala yon.
“Yun pala yung gusto niyag i-pronta, pero kung kilalanin mo siya sa loob, iba. Naku, Diyos ko Chokie kung nandito ka lang,” lahad pa niya.
Pagbabahagi pa niya, “Kung nandito pa si Chokoleit siguro nagba-vlog na rin yon ngayon. Napakadami sigurong subscribers no’n. Eh, kasi parehas kami dati, eh.
“Ang daming nag-aaya sa aming mag-vlog pero parang hindi namin buhay yon, parang hindi namin life. Parang sabi namin, O dahil siguro noon kaliwa’t kanan pa yung proyekto, hindi pa namin ma-ano.
“Tapos nu’ng pandemic parang ‘Oo nga ano?’ Parang yon yung pinagkakakitaan nila, ngayon kami wala. Pero buti na lang bago naman nag-pandemic nakapagsubi ng konti,” sey pa niya.
Pooh keri lang mawalan ng dyowa wag lang ang mga mahal sa buhay