Bakit napasabi si Miss Universe PH-Charity Pauline Amelinckx ng ‘I’m only human?’

Bakit napasabi si Miss Universe PH-Charity Pauline Amelinckx ng ‘I’m only human?’
NAGSAWA na si Miss Universe Philippines-Charity Pauline Amelinckx na marinig na “so dry” ang balat niya kaya nagpasya na siyang sumunod sa isang skin care routine na maraming hakbang.

“Makeup artists kept telling me that ‘you’re skin is too dry, the makeup would not last long,’ that’s when I started researching and asking my friends also about it,” sinabi niya sa Inquirer sa “Organics Never Fade” event ng local beauty brand na One Earth Organics sa Raffles Makati noong Nob. 17, kung saan siya rin ang host.

Nalaman niyang hindi lumalapat nang maayos ang makeup sa dry skin, kaya pinalitan niya ang nakasanayan niyang paghuhugas lang ng mukha sa isang routine na may limang hakbang. “I cleanse, I cleanse again because we’re a fan of double cleansing, and then toner, serum, moisturizer, and then sunscreen depending if I have to go out during the day,” sinabi ng Belgian-Filipino na pageant veteran mula sa lalawigan ng Bohol.

Maliban sa pagho-host, abala rin si Amelinckx sa mga tungkulin niya bilang isang beauty queen, at sa hilig niyang free diving. At naaapektuhan na ng iba’t iba niyang gawain ang kaniyang kutis. “I’m only human,” aniya.

“I had a few pimples a few days ago because of the stress that my body was under, from going to different places for different kinds of activities. And of course, the environment also adds to that. Which is why I think it’s important to always go back to skincare at the end of the day, and at the beginning of every day,” ibinahagi niya.

Inamin ni Amelinckx na kung nalaman lang niya na makararanas siya ng samu’t saring problema sa balat niya, nagsimula sana siya nang maaga sa pangangalaga sa kutis niya. “I guess I would also ask my mom to get into skin care sooner, so we could both be influencing each other to do that, and just go down with that journey together,” dinagdag pa niya.

Bilang isa sa reigning queens ng Miss Universe Philippines pageant, tumulak si Amelinckx sa bayan ng Marantao at sa Marawi City sa Lanao del Sur ngayong buwang ito lang para sa charity work kasama ang Save the Philippines, at upang isulong na rin ang turismo.

Kasama niya doon si reigning Miss Universe Philippines Celeste Cortesi at first runner-up Annabelle McDonnell, na kamakailan lang ay tinalaga bilang kinatawan ng Pilipinas sa unang edisyon ng Miss Charm pageant sa Vietnam sa 2023.

Related Chika:
Michelle Dee, Celeste Cortesi, Pauline Amelinckx, Maria Katrina Llegado pasok sa Miss Universe PH 2022 Top 16

Miss Universe PH 2022 candidates Celeste Cortesi, Michelle Dee, Pauline Amelinckx nanguna sa international publications’ list

Michelle Dee, Katrina Llegado, Celeste Cortesi, Pauline Amelinckx, Annabelle McDonnell pasok sa Top 5 ng Miss Universe PH 2022

Read more...