GOOD vibes ang bagong Instagram post ng asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico kasama ang kanilang 2-year-old na anak na si Thylane.
Ibinandera ni Nico ang isang mala-makeup tutorial video na kung saan ay mapapanood ang ginawang “no makeup look” sa kanya ng anak.
Imbes na makeup, face paint at glitters ang ipinahid sa buong mukha ni Nico!
Makikita rin sa video na talagang nag-enjoy si Thylane sa step-by-step niyang pagme-makeup sa ama.
Caption pa ni Nico, “The weekend is approaching fast and we wanted to share this ‘No Make Up’ make up technique!”
Nagbiro pa siya at sinabing, “Great for night dates, they can see you better with the glitters; or for a sunday brunch, perfectly matched with a colourful dress!”
Dagdag pa ni Nico, “You don’t need to follow the steps 100%, you can add your own twist! Tag us to see your ‘No Make Up’ look!”
Marami naman ang naaliw sa latest bonding ng mag-ama at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.
“Some guys are made to be great dads! (red heart emoji)”
“Soon you’ll have two little girls. One will do the make up and the other one for the hair (laughing emoji)”
“This padre and Tili relationship has something special that speaks warmly about it. And Behind every great daughter like Tili is truly an amazing ElPadre like you (red heart emoji)”
Taong 2020 nang isinilang nina Solenn at Nico ang first baby nila na si Thylane.
Sa kasalukuyan ay nagdadalang-tao si Solenn sa second baby nila ng mister.
Taong 2016 nang ikinasal ang dalawa.
Related chika:
Solenn Heussaff nalilito pa rin kung ano ang isasagot kapag tinatanong ng, ‘Ano’ng trabaho mo?’