LUIS nawalan na nang gana kay JENNYLYN


May gustong sumira sa relasyon nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado. May kumakalat na tsismis ngayon na hiwalay na raw ang dalawa dahil nawalan na diumano sila ng oras para sa isa’t isa.

Bukod dito, parang nawalan na rin daw ng gana si Luis sa kanyang girlfriend. Natatawa na lang daw si Jennylyn sa tsismis na ito dahil hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na mabalitang nag-break na sila ni Luis.

Sey ng aktes-TV host, “I don’t know kung saan nila nakukuha yan. Not true. No, no, no! Ewan ko sa kanila, hindi sila napapagod. Bahala na sila sa buhay nila.”

Sey pa ni Jen, hindi sila nag-aaway ni Luis, at hindi sila apektado. Basta ang mahalaga alam nila ang totoo at ginagawa nila ang lahat para maging maayos at tahimik ang kanilang relasyon.

Aniyq pa, ganu’n talaga sa showbiz, kapag strong ang relationship, pilit na winawasak. Two years na ang relasyon nina Jen at Luis.

Inamin naman ng aktres na nabawasan ang oras nila para sa isa’t isa pero sinisiguro nila na they spend quality time together. Wish ni Jennylyn, sana raw makapag-out-of-town uli sila ni Luis, sana raw ngayong November ay makapagbakasyon sila.

( Photo credit to Google )

Read more...