Ipa-toktok mo na yan! Pinoy superapp, nagkamit ng 2 PH Quill Awards

Ipa-toktok mo na yan! Pinoy superapp, nagkamit ng 2 PH Quill Awards

TOKTOK, ang superapp na binuo ng mga Filipino, ay muling nagpatunay ng kanilang kagalingan noong sila ay maka-sungkit ng dalawang parangal mula sa 19th Philippine Quill Awards.

Taun-taon sa nakalipas na halos dalawang dekada ay kinikilala ng Philippine Quill at ng Philippine Student Quill Awards ang nangungunang mga programa sa komunikasyon, kasangkapan, at proyekto ng pananaliksik sa iba’t ibang industriya.

Ang toktok ay kabilang sa mga binigyang parangal sa Communication Management Division para sa “Omnichannel Launch Campaign” nito sa ilalim ng Category 7 (Marketing, Advertising, at Brand Communication).

Kasama ng pagkilalang ito ang isa pang parangal mula sa Communication Skills Division. Ang “A Social Media Campaign” ng toktok sa ilalim ng Kategorya 23 (Social Media) ay kabilang sa mga nakapasok sa listahan.

Upang matiyak na tanging ang pinakamagaling sa pinakamahusay ang makakatanggap ng hinahangad na Quills, ang bawat pagsusumite—kabilang ang entry ng toktok—ay sumasailalim sa isang mahigpit na pamamaraan ng screening batay sa pandaigdigang pamantayan ng IABC.

Ang mga nanalo sa taong ito ay ang pinakamalaki sa kasaysayan ng Quill, na may higit sa 800 na mga pagpaparehistro.

“Congratulations sa ating 19th Philippine Quill Awards winners! You inspire us to push on and MOVE forward amid trials and setbacks,” ani ng Quill, na itinampok pa ang kanilang tema.

“May you never lose sight of our purpose as communicators.”

Ginagabayan ng mga bata at makabagong mayari nito na sina Jonathan So at Carlito Macadangdang, ang toktok ay isang Filipino-made app para sa ligtas, walang problemang paghahatid at pag-order ng iyong mga pangangailangan online nang hindi na kailangang lumabas.

Ang kumpanya ay itinatag sa gitna ng pandemya ng COVID-19 at pinagmulan ng kita ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho.

Ito ay sadyang ginawa upang kumonekta sa mga tao sa pamamagitan ng dagdag na kamay sa paghahatid ng mga item door-to-door.

Para i down load ang toktok sa mga android user, maaring makuha ang toktok app sa Google Play, at ang App Store naman para sa iOS user.

Other Stories:
House of Franchise, ang one-stop-shop mo pagdating sa negosyo

Robinsons Malls, toktok nagkaisa sa pagtulong

Pinakamurang delivery service kakatok na, Toktok

Toktok handang magserbisyo sa panahon ng ECQ

Read more...