Becky Aguila ready nang i-level up ang talent management agency

Becky Aguila ready nang i-level up ang talent management agency
MUKHANG handa na talagang mag-level up ang talent agency ng veteran celebrity manager na si Becky Aguila na Aguila Artist Management dahil pormal na ngang inanunsyo anak nito na si Katrina Aguila bilang CEO.

Maging ang pangalan ay babaguhin na to Aguila Entertainment para hindi lamang malimitahan sa talent management ang ahensya.

“Sobrang nag-iba na ang landscape ng showbiz and syempre we want to adapt and continue the legacy of my mom na isa talaga sa kumbaga OG na talent managers. Aside from growing our stable of artists, we also want to expand our services to explore other business opportunities for the agency,” sabi ni Katrina.

Si Katrina ay isa sa kambal na anak ni Tita Becky. Nagtapos ng BS Psychology sa University of Santo Tomas si Katrina at nag-masters pa sa Ateneo. Beauty and brains talaga ang artistahing millennial manager na ito.

Ang kakambal naman ni Kat na si Bianca ay kasalukuyang nakatira sa Las Vegas kung saan isa naman siyang nurse practitioner. Very adventurous si Bianca dahil kabilang sa hilig nito ang pag-snowboard at pag-scuba diving. Nakapag-backpack trip na rin ito around the world at nakakapagsalita ng iba’t ibang lenggwahe.

Very proud naman si Tita Becky sa kanyang kambal.

Sey ni Tita Becky, “Siyempre sila ang biggest stars for me and I am here to support them all the way.”

Makakasama ni Kat sa pamamahala ng agency ang dating PR head ng ABS-CBN na si Jan Enriquez na magiging bagong general manager bukod sa pagiging isang artist handler.

Mahigit 15 taon na ang karanasan ni Jan sa PR at marketing kabilang na ang mahigit isang dekada niyang pagiging Kapamilya kung saan madalas namin siya makakasama sa mga presscon headed by Kane Choa.

Kasama sa mga alaga ni Tita Becky sina Jennylyn Mercado, Andrea Brillantes, Beauty Gonzalez, Empress Schuck, Valerie Concepcion, Sheena Halili, Stephanie Sol, Karel Marquez, Dianne Medina, Angelic Guzman, Bianca Rufino, Nikko Natividad, Jon Lucas, Mikoy Morales, Nico Antonio, Alex Medina, Neil Coleta, Mart Escudero, at Phytos Ramirez.

 

Related Chika:
Malilisyosong post ni Andrea sa socmed peke, talent manager nagbanta sa poser at nagse-share

Lolit Solis pinagsabihan ang manager ni Andrea: Sa halip na manakot unahin niyang kausapin si Andrea at pangaralan

Read more...