Sharonians nag-alala, nalungkot sa planong pagre-retire sa showbiz ni Mega: Hindi pa ito ang tamang panahon

Sharonians nag-alala, nalungkot sa planong pagre-retire sa showbiz ni Mega: Hindi pa ito ang tamang panahon

Sharon Cuneta

NALUNGKOT at nag-alala ang mga solid fans ni Megastar Sharon Cuneta nang sabihin nitong naiisip na niya ang magretiro sa entertainment industry.

Magkakaiba ang naging reaksyon ng mga supporters ni Ate Shawie nang ibandera niya sa madlang pipol ang balak niyang pagreretiro sa showbiz kahit 56 years old pa lamang siya.

Diretsahang inamin ng misis ni dating Sen. Kiko Panginan na “exhausted” na siya sa kanyang mga ginagawa kaya ngayon pa lang ay naiisip na niyang mag-quit sa showbiz.

Nais raw niyang ibuhos na lamang ang kanyang atensyon at panahon kasama ang kanyang asawa at mga anak pati na ang iba pa niyang mahal sa buhay.

Sa isang Instagram post ng premyadong aktres at singer, nabanggit niya ang mga katagang “retirement is calling”.

May ibinahagi rin siyang isang passage mula sa librong “The Stories We Tell,” na isinulat ni Joanna Gaines. Ito’y tungkol sa klase ng buhay na palaging “running at high capacity at a certain age.”

Ayon kay Sharon, “This part really resonated with me because, well, I am 56 now — and I am just undeniably exhausted. Retirement is calling.”

Mahigit apat na dekada na si Mega sa larangan ng telebisyon at pelikula at napakarami na niyang napatunayan bilang artista, singer at TV host.

“Once in a while I can pop up in a movie or two, a concert, or a TV show, even a season or a series if it’s not too tiring. But I am tired,” pahayag pa ng Kapamilya superstar.

“All I wish I could do is be with my family and take care of them,” ang sey pa ni Sharon sa kanyang IG post.

Sa huli, sinabi niya na sanay magawa pa rin niya ang lahat ng mga bagay na nais niyang ma-accomplish, “but just couldn’t find the time for.”

Pakiusap pa niya sa lahat ng taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon, “Please pray with me. Thank you so much and I love you all.”

Huling napanood si Sharon sa Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano” kasama sina Coco Martin at Julia Montes at sa concert tour niya sa iba’t ibang bansa.

Kung matatandaan, noong 2019 ay inihayag na rin ni Sharon na kino-consider na niyang maging semi-retired sa showbiz. Aniya, pwede siyang gumawa ng ilang projects pero priority pa rin niya ang kanyang pamilya.

May dalawa pang international projects si Mega na kailangang gawin at tapusin, ang film adaptation ng “The Mango Bride” at ang US series na “Concepcion.”

Jaclyn Jose magreretiro na sa showbiz: Masakit but…

Megan Young napapraning kapag naiisip ang pagbubuntis: My number one fear is getting sick or dying…

Angel Aquino natulala sa taping: Ang husay ni Mega, ang husay ng lahat dito sa Probinsyano…lagi akong starstruck!

Read more...