Parking boy pinakain na ni Ryan Bang, binigyan pa ng pera; Jhong ipinagamot ang pasyenteng nagda-dialysis
By: Alex Brosas
- 2 years ago
Jhong Hilario at Ryan Bang
NAPAIYAK ang “It’s Showtime” mainstays na sina Jhong Hilario at Ryan Bang nang makita nila at marinig ang mensahe ng pasasalamat ng mga taong natulungan nila in the past.
Sabi ni Jose Manuba na natulungan ni Jhong, “Binigyan po ako ni Kons ng tulong pinansyal para sa sakit kong diabetes at sa dialysis.”
“Tinamaan ako ng Covid. Down na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hopeless na ako sa sarili ko. Siya ‘yung unang-unang tinawagan ko. Nakakuha ako ng suporta galing sa kanya. ‘Yung mga needs ko, nai-provide niya bilang isang kaibigan kaya ganoon katindi ‘yung pagmamahal ko sa kanya,” say ni Benjie Benavidez na kababata ni Jhong.
“Boss ko siya pero may personal touch. Iba ‘yung pagiging artista niya. Hindi niya ipino-promote na siya si Kons Jhong Hilario na sikat na tao. Nasa mababang level siya. Ayaw na ayaw niya ‘yung sinasabi na siya ay tumulong.
“Bilang staff niya and bilang close-in niya, dumadating ‘yung mga moments na kapag nagpapasalamat siya sa akin, ramdam ko galing sa puso. ‘yung yakap, ‘yung tapik, that’s Jhong Hilario,” say naman ng close-in security ni Jhong na si Sonny Bautista.
Say naman ng pamangkin ni Jhong na si Rovir Hilario, napakabait na tiyuhin ng actor.
“Bilang tiyuhin sa family namin, siya talaga ang gumagawa ng way lagi para magkasama-sama kami, lalung-lalo na hindi ko makaaklimutan ‘yung namatay noong 2015 ang father ko.
“Kinausap ako ni tito Jhong noong nasa ospital pa lang kami na kapag kailangan ko siya, katukin ko lang siya sa bahay niya at talagang hanggang ngayon, walang patid iyon. Kahit wala na si Papa, kaming magkakapatid ang nakikinanabang sa ibinibigay niya kahit wala na si Papa,” say ni Rovir.
“Since 2015 PA na ako ni Sir Ryan. Unang-una, generous siya. Mabait siya as a boss. Parang kuya na rin ang turing ko sa kanya. Tumatak sa akin ‘yung sinama niya ako sa Korea.
“Ako naman ay PA niya lang pero ipinakilala niya ako sa parents niya. At mas lalo pa siyang nakatulong sa akin noong pinag-aral niya ako hanggang makatapos,” say ni Marian Valenton, PA ni Ryan.
“PA mo lang ako pero ang laki ng naitulong mo sa akin. ‘Yung puso mo, parang Piliono, eh. Hindi lang sa akin, sa family ko din. Sobrang nagpapasalamat ako,” dagdag pa niya.
“’Yung salon, actually, tinakeover namin. It used to be a salon but it closed because of the pandemic. ‘Yung mga staff ng salon lost their jobs because it has to close. Gusto pa rin niyang makita ng mga tao ‘yung work nila so he decided to open it,” say ni Pearl Kim na salon staff ni Ryan.
Leila David, a staff of Ryan said, “Si Sir Ryan, siya po ang tao na fair sa lahat. Hindi ko siya itinuturing as a friend but sir Ryan is a family. Si Sir Ryan kasi, siya ‘yung naging pamilya ko starting noong nag-work ako sa Quezon City. Hindi ka niya itinuturing na iba.”
Say naman ng parking boy na si Jeffrey dela Vega, “Nagpa-parking po ako. Sumisilip ako sa bintana. Sabi ko, kakain po ako. Kumain ako. Piniktyuran ako. Nag-viral po ako. Pinuntahan ako ni Ryan at pinakain niya ako tapos binigyan niya ako ng pera. Excited po ako kasi first time ko lang makakita ng artista tapos binigyan pa ako ng pera, damit at bag.”
Matapos marinig ang mga papuri sa kanila ay napaiyak nga sina Ryan at Jhong.