7 sikat na vloggers susugod sa 27th anniversary special ng ‘Bubble Gang’; Bitoy kumasa sa ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’ challenge
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Michael V
TULUY-TULOY ang tawanan sa longest running gag show sa bansa, ang “Bubble Gang”.
And this month, ipagdiriwang ng show ang kanilang 27th anniversary sa pamamagitan ng special episodes na mapapanood sa November 18 at 25.
Tampok sa #BGVenti7 ang powerhouse cast ng “Bubble Gang” kasama ang ilang sikat na content creators gaya nina Christian Antolin, Euleen Castro & Gifer, Manoy Ruzzel, Agassi Ching, Jai Asuncion, Coco Melon at Asian Cutie.
“For our anniversary, dahil inevitable ang social media, Bubble Gang will bring social media to our show MISMO! Medyo bitin nga e, but they’re there,” sabi ng award-winning Kapuso comedian at “Bubble Gang” pioneer na si Michael V.
And for the first time in three years, may hatid na parody si Bitoy sa trending song na “Gusto Ko Nang Bumitaw.” Bahagi rin ng kanilang anniversary special ang “Pranning Man” na spoof sa top-rating reality game show na “Running Man Philippines.”
Dapat ding abangan ng viewers ang special editions ng paborito nilang sketches gaya ng “Marites United,” “Patibong,” at “Istambay.”
Bukod naman sa “Bes Friends”, tiyak na bebenta rin sa audience ang karakter ni Sef Cadayona bilang “Small Lodi,” na isa pang spoof sa vlog ng social media personality na si Small Laude.
Tutukan ang lahat ng ‘yan at maki-TGIF sa anniversary episodes ng “Bubble Gang” simula ngayong November 18, 9:40 p.m. sa GMA.
* * *
Panibagong challenges ang sasalubong kay Klay (Barbie Forteza) ngayong parte na siya ng pamamahay ni Maria Clara (Julie Anne San Jose) sa trending at top-rating GMA primetime series na “Maria Clara at Ibarra.”
Habang sinusubukan ni Maria Clara na turuan si Klay ng kagandahang-asal at mga pamantayang mahigpit na dapat sundin ng kababaihan, patuloy itong kinukwestyon at sinasalungat ni Klay. Dahil dito, unti-unti nang nauubos ang pasensya ni Maria Clara.
Pinuri naman ng netizens ang ugnayan ng dalawang karakter. Sabi ng isang fan, “A great contrasting blend of moral values, sense of humor and realization. The evolution of how women and the society think and perceive before compared as of now.
“Madarama mo talaga na nasa past ka dahil sa galing ng pagkaka-deliver ng emotions ng dalawang characters. The way they speak, articulate and deliver the lines. Galing ng method acting ni Klay at Maria Clara. Ang separation ng past sa modern, well-distinguished,” aniya pa.
Tuluyan na bang susukuan ni Maria Clara si Klay? Mapapanood ang “Maria Clara at Ibarra” weeknights at 8 p.m. sa GMA Telebabad.