CRISTINE manloloko raw, hiniwalayan ni DEREK dahil sa EX-BF na GYM INSTRUCTOR


TRULILI kaya ang tsikang narinig namin na gimik lang daw nina Derek Ramsay at Cristine Reyes ang paghihiwalay nila kamakailan?

Ayon sa ilang katoo kailangang mag-ingay ang dalawa para sa movie nilang “My Trophy Wife” at sa mga shows nila sa ibang bansa. Idagdag pa ang mga teleserye nilang Undercover (TV5) at Bukas Na Lang Kita Mamahalin (ABS-CBN).

Sinabi namin na tumawag ang aming source noong Martes at sinabing naghiwalay na nga ang dalawa dahil sa diumano’y naging dyowa ni Cristine na isang gym instructor na hindi inamin ni AA kay Derek.

“Oo nga, pero okay na sila, nagkaayos na at sa katunayan ay magkasama sila noong Lunes ng gabi, sleep over na ang drama ni AA at magkasama silang umalis ni Derek sa bahay niya, itanong mo pa ‘yan sa guard on duty ng subdivision nila,” hamon sa amin ng source.

Naku, kung anuman ang totoo sa hiwalayang Derek at Cristine, e, sila lang dalawa ang nakakaalam ‘no! Bahala na sila sa buhay nila! At kung isang malaking gimik lang ang lahat, kunsensiya na lang nila yan.

( Photo credit to Google )

Read more...