NAGTITIPON ngayon sa Indonesia ang mga pinuno ng pinakamakapangyarihang mga bansa para sa G20 leaders’ summit upang talakayin kung paano lulutasin ang mga pinakanakababahalang suliraning kinakaharap ng mundo ngayon, kabilang ang climate crisis. At may nais iparating ang mga reyna ng Miss Earth pageant sa mga may hawak ng tadhana ng maraming mamamayan ng daigdig.
“I’d like to encourage the leaders, you guys have made amazing speeches regarding the promises that you’ll make in consideration to our planet, climate change nevertheless. And I would hope that beyond this, we would take serious action than that,” sinabi sa Inquirer ni Karina Basrewan, kinatawan ng Indonesia sa 2022 Miss Earth pageant, sa welcome dinner sa Versailles Palace sa Alabang, Muntinlupa City, noong Nob. 13.
Tinukoy naman ni Andrea Aguilera mula Colombia na “the most power you have the most you can go to the masses. You can give a massive message with power.” Ibinahagi rin niya na isang “green constitution ang Saligang-Batas nila na ipinatupad noong 1991 sapagkat nakapaloob dito ang pangangalaga sa kalikasan.
Umapela rin ang 2021 Miss World Top 13 finisher sa G20 leaders na gumamit ng sustainable na pagkukuhanan ng kuryente tulad ng solar at hydroelectric, at minungkaing samantalahin na rin ang singaw ng basura upang makalikha ng kuryente.
Sinabi naman ng Filipino-Canadian na si Jessica Cianchino, na kumakatawan sa Canada, na dapat tutukan ng mga pinunong nagtitipon sa Indonesia ang mga suliraning nararanasan ng bansang tumanggap sa kanila. “Listen to the farmers, individuals, because their voices should be heard,” sinabi ng 2019 Miss Asia Pacific International second runner-up.
Para naman kay Sheridan Mortlock ng Australia, dapat na maging halimbawa mismo ang G20 leaders. “You have all this power and influence. You have the resources to do better,” aniya.
“I’m not saying you have to change everything right now, because that in itself is not sustainable. But make a good start because we’re seriously running out of time,” pagpapatuloy pa ng mag-aaral ng global sustainability at politics.
Ibinahagi rin ni reigning Miss Earth Destiny Wagner mula Belize ang mensahe niya para sa G20 leaders: “You are a leader, you are a decision maker, so you have power and you have a voice that is stronger than many other voices. Use your power for something good. All of us have something in common, and that is our planet. So we should be working toward that cause.”
Isasalin niya ang korona niya sa 2022 Miss Earth coronation program na itatanghal sa Cove Manila pool club ng Okada Manila sa Parañaque City sa Nob. 29.
Ang American-Filipino psychology student mula Tarlac na si Jenny Ramp ang kinatawan ng Pilipinas.