Keempee kay Christian: ‘Yung iba malakas ang dating pero mayabang, siya walang bahid… napakanatural!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Christian Babies at Keempee de Leon
BAGAY namang magtatay sina Christian Bables at Keempee de Leon sa pelikula nilang “Mahal Kita, Beksman” under Viva Films and IdeaFirst Company.
Sa katunayan, parang effortless na effortless ang acting nila sa pelikula na pinalakpakan ng audience sa ginanap na special screening nito kamakailan.
Sa nakaraang presscon ng “Mahal Kitaz, Beksman” pinuri nina Keempee at Christian ang isa’t isa matapos ideklarang naging super close talaga sila habang ginagawa ang naturang proyekto.
Sey ni Christian, “Ang sobrang hinahangaan ko kay Kuya Keempee na alam iyan ni God, alam ng handler ko dahil ako ang nagkukuwento lagi every time na magkikita-kita kami, tapos katatapos lang namin gawin itong ‘Mahal Kita, Beksman.’
“Lagi kong kinukuwento na grabe si Kuya Keempee. Mayroon siyang part na pinapanood ko na lang siya kasi ang galing niyang gawin yung ginagawa niya, na ako para akong sponge, ina-absorb ko iyon na ‘A okay ganito pala yun.’
“Ang dami kong natutunan kay Kuya Keempee na magagamit ko for sure sa susunod pang characters na gagampanan ko,” sabi ng aktor.
Dagdag pa niya, “And as a friend si Kuya Keempee, noong hindi kami madalas makapag-communicate, si Kuya Keempee makikita mo sa kanya yung care bilang kaibigan. Hindi ako makakapag-booster shot kung hindi dahil kay Kuya Keempee. Thank you, Keempee!”
Chika naman ni Keempee, “Kay Christian kasi noong script reading pa lang namin madali na siyang lapitan, e. Magaan yung…alam mo yung pag first time kayong nagkita, nag-meet o magkakatrabaho pa lang, malalaman mo na yung pakiramdam na magaang katrabaho itong tao na ito.
“And si Christian kasi smiling face ito e, tawa lang nang tawa, kuwento-kuwento. Kumbaga not for anything, walang ere. Iilan lang talaga ang mabibilang ko sa daliri ko, kung ilang tao lang, kasi yung iba malakas ang dating, medyo mayabang. Ito wala, walang bahid. Napakanatural.
“At saka proud ako rito kasi talagang magaling na aktor. Kumbaga as an old timer, maiisip ko lang ngayon kung sino yung talagang magaling gumanap sa ganitong roles sa mga kaedaran ni Christian, ha.
At saka very down to earth itong batang ito. Not for anything pero talagang nakatanggap siya ng different awards. Kumbaga nandiyan pa rin yung level niya, mababa pa rin, kumbaga taong-tao pa rin. Kaya thankful ako na nakilala ko ito,” papuri ni Kimpoy kay Christian.
Ang “Mahal Kita, Beksman” ay mula sa direksyon ni Perci Intalan, produced by Viva Films and The IdeaFirst Company. Palabas na ito sa mga sinehan nationwide simula bukas, November 16.