MAY babala ang Bureau of Quarantine (BOQ) tungkol sa mga pekeng website na nagpo-proseso umano ng “electronic Arrival (eArrival) card.”
Sa press briefing ng Laging Handa noong Huwebes, November 10, sinabi ni Quarantine Deputy Director Dr. Robert Salvador Jr. na dapat ay “free of charge” o walang bayad ang eArrival card.
May ilang websites kasi na pinagbabayad pa ang mga nagrerehistro.
Sey ni Salvador, “Marami pong nabibiktima ng fake websites so tandaan natin ang official po natin na website ay iyong onehealthpass.com.ph.”
“Tandaan din po natin na wala pong bayad ang eArrival card. Kapag kayo ay ini-redirect sa ibang site at nanghingi ng bayad, automatic na fake po ito,” aniya.
Kasalukuyan na raw nilang iniimbestigahan ang mga pekeng websites sa tulong ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay BOQ Deputy Director, “Ang problema po, kahit i-take down nila iyong mga existing na mga fake website, gumagawa sila ng panibago.
“Sumusubok po maka-scam ulit ng mga kababayan.”
Samantala, nagpaalala ang BOQ sa mga bibisita oo uuwi ng PIlipinas na kailangan muna silang magrehistro ng eArrival card sa loob ng 72 hours bago ang departure sa kanilang bansa.
May payo rin siya para sa mga nagkakaproblema sa pagrehistro.
“Pero doon naman po sa mga may problema na hindi makapag-register, mayroon naman po tayong dinelegate na mga space at staff na tutulong sa kanila na mag-accomplish pagdating dito sa Pilipinas,” saad ng ahensya.
Tanging mga “unvaccinated” at “partially vaccinated” na mga traveler ang required na magpresenta ng antigen test result within 24 hours bago magpunta ng Pinas.
Sa kasalukuyan, nasa halos 18,000 na inbound travelers ang naitatala nila sa bansa at posible pa itong tumaas habang papalapit ang kapaskuhan.
Ang eArrival card ay ang dating “One Health Pass” ng Department of Health (DOH).
Read more:
Brunei patuloy ang suporta sa ‘peace process’ sa Mindanao
DOH iginiit ang pagsusuot ng face mask sa mga Christmas gatherings, events
Libreng sakay ng Edsa carousel gagawing 24 oras, magtatapos ng Dec. 31