PATULOY pa ring susuportahan ng Brunei ang “peace process” sa Mindanao.
‘Yan ang ipinangako ng Sultan ng Brunei na si Hassanal Bolkiah noong Sabado, November 12, matapos silang magpulong ni Pangulong Bongbong Marcos sa Cambodia.
Nagtipun-tipon ang dalawang lider doon, pati na rin ang iba pang high ranking government officials ng iba’t-ibang bansa dahil sa isinasagawang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits.
Pagtitiyak ng sultan kay Pangulong Marcos, “We will continue to support your government’s efforts in ensuring peace and stability through various initiatives in southern Philippines including our participation in the unification and modification assistance.”
Lubos namang natutuwa ang ating pangulo at binanggit na magtatagal pa ng hanggang tatlong taon ang Bangsamoro Transition Authority dahil ito’y na-potpone nitong pandemya.
Sey ni Pangulong Marcos, “I’m happy to be able to inform Your Majesty that the peace process is proceeding along, although we have extended the Transition Authority for another three years simply because they were unable to do their job during the pandemic.”
“This process—the negotiations between the Bangsamoro and our Muslim brothers and sisters began in 1976—I believe, is the fruition of that. And we are very happy,” dagdag pa niya.
Ang Sultan ng Brunei ay isa lamang sa anim na state leaders na nakapulong ni Mister Marcos.
Nauna niyang nakausap sina Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh, Cambodian Prime Minister Samdech Hun Sen, South Korean President Yoon Suk-yeol at Bolkiah, Chinese Prime Minister Li Keqiang, Japanese Prime Minister Fumio Kishida, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, pati na rin ang European Union.
Ito ang unang beses na dumalo ang ating presidente mula nang siya’y maluklok sa kanyang pwesto ngayong taon.
Read more:
5 hinihinalang drug suspect sa Bicol arestado, mahigit P200k halaga ng shabu nasabat
DOH iginiit ang pagsusuot ng face mask sa mga Christmas gatherings, events
Libreng sakay ng Edsa carousel gagawing 24 oras, magtatapos ng Dec. 31