KAABANG-ABANG ang upcoming performance ng K-Pop superstar ng BTS na si Jung Kook!
Proud na ibinandera ng kanyang talent agency na Bighit Music na magtatanghal ang K-Pop idol sa FIFA World Cup 2022.
Mangyayari ‘yan sa Al Bayt Stadium sa Qatar sa November 20.
Sey sa Twitter post ng talent agency, “Proud to announce that Jung Kook is part of the FIFA World Cup Qatar 2022 Soundtrack & will perform at the World Cup opening ceremony. Stay tuned!”
방탄소년단 ‘정국’이 2022 FIFA 카타르 월드컵 공식 사운드트랙과 월드컵 개막식 공연에 참여합니다. 많은 기대 부탁드립니다!
Proud to announce that Jung Kook is part of the FIFA World Cup Qatar 2022 Soundtrack & will perform at the World Cup opening ceremony. Stay tuned!#FIFAWorldCup pic.twitter.com/MwJ2kdNRBp— BTS_official (@bts_bighit) November 12, 2022
Bukod diyan ay napabilang din si Jung Kook sa paggawa ng mga World Cup soundtrack kasama ang iba pang international artists.
Ilan lamang sa mga ilalabas na kanta ay ang “Hayya Hayya (Better Together),” “Arhbo,” “Ulayeh,” “Vamos a Qatar,” “Aeropuerto,” at “Light the Sky.”
Sinabi pa sa website ng FIFA World Cup na ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglabas sila ng “multi-song collection.”
“It is the first time that the tournament’s soundtrack will feature a multi-song collection, with international artists showcasing diverse musical genres that span the world, setting the tone for a truly global celebration,” sey sa website.
Ayon naman sa South Korean media outlet na Soompi, noong Oktubre pa nagtungo si Jung Kook sa Qatar at may ulat din na nag-taping pa siya para sa isang promotional video.
Grabe ang BTS, kaliwa’t-kanan pa rin ang kanilang mga natatanggap na proyekto sa kabila ng pansamantalang pagkakawatak bilang grupo.
Kung matatandaan, inanunsyo ng grupo na magpapahinga na muna sila upang maranasan naman ang pagkakaroon ng solo career.
Kamakailan lang ay naglabas ng solo single sa unang pagkakataon ang isa nilang miyembro na si Jin at umariba na ito kaagad sa billboard charts ng iba’t-ibang bansa.
Nagkaroon din siya ng special performance kasama ang British rock band na Coldplay sa Buenos Aires sa Argentina noong Oktubre.
Ang rapper ng BTS naman na si RM, nakatakdang ilabas ang kanyang album na pinamagatang “Indigo” sa December 2.
Samantala, nakatakdang sumabak sa “mandatory military service” ng South Korea ang nakakatandang miyembro ng BTS na si Jin.
Noong Oct. 17 kinumpirma ng Bighit Music ang balita sa isang social media post at sinabing, “Group member Jin will initiate the process as soon as his schedule for his solo release is concluded at the end of October.”
“Other members of the group plan to carry out their military service based on their own individual plans,” saad pa sa post.
[공지] 방탄소년단 병역 이행 및 향후 활동 계획 안내 (+ENG/JPN/CHN) pic.twitter.com/jntF90agO4
— BIGHIT MUSIC (@BIGHIT_MUSIC) October 17, 2022