Bb. Pilipinas International Hannah Arnold super happy sa send-off ceremony ng DOST

Bb. Pilipinas International Hannah Arnold super happy sa send-off ceremony ng DOST

PHOTO: Instagram/@arnoldhan_

LUBOS na nagpapasalamat ang ating pambato na si Binibining Pilipinas International Hannah Arnold sa Department of Science and Technology (DOST) matapos siyang bigyan ng send-off ceremony.

Malapit-lapit na kasi ang kanyang laban sa Miss International competition na mangyayari sa Tokyo, Japan sa December 13.

Ibinandera mismo ni Hannah ang ilang litrato sa Instagram at sinabing masayang-masaya siya dahil tila nagsama raw ang kanyang kinahihiligan sa buhay.

“My two passions have truly come together: Science & Pageantry (purple heart emoji),” panimula niya sa caption.

Dagdag pa niya, “Thank you Department of Science and Technology particularly my DOST-PCIEERD family for this beautiful and heartwarming send off for my upcoming candidacy in the Miss International pageant.”

Ibinahagi niya rin sa IG post ang isang tanong sa kanya kung ano ang kaugnayan ng Science at pageantry.

Sey niya, “When I am asked what is the relevance of pageantry, this is exactly it: showing that us beauty queens can also excel in other environments and advocate for causes closest to our hearts and skillset.

Nabanggit din niya na handang-handa na raw siya na irepresenta ang ating bansa.

“I am ready to raise not only the Philippine flag but also the flag for S&T (purple heart emoji),” sabi niya.

Alam niyo bang ka-bandera, kaya ganyan ang pagmamahal ng ating pambato pagdating sa siyensya ay dahil graduate siya ng “Applied Science in Forensic Studies.”

O diba, talaga nga namang beauty and brains si Hannah!

Makukuha niya kaya ang pang-apat na titulo ng Miss International ng Pilipinas?

Ilan lamang sa mga Pinay queens na nakauwi ng Miss International title ay sina Lara Quigaman, Bea Santiago, at Kylie Verzosa.

Read more:

Hannah Arnold inisa-isa ang mga katangian ng kandidatang dapat manalong Miss International 2022: I am definitely that girl

Miss World PH 2022 wala nang atrasan; Hannah Arnold tuloy na ang laban sa Miss International

Bakit na-challenge si 2021 Bb. Pilipinas International Hannah Arnold sa swimsuit competition?

Read more...