May mga natutunan ba si Richard Gutierrez kay Coco Martin nang magsama sila sa ‘Ang Probinsyano’?
By: Alex Brosas
- 2 years ago
Coco Martin at Richard Gutierrez
PARA kay Richard Gutierrez, magkaibang-magkaiba ang role niyang Apollo sa “The Iron Heart” sa kanyang Lito Balmoria character in “FPJ’s Ang Probinsiyano”.
“Malayung-malayo ang portrayal ko as Lito in ‘Ang Probinsiyano.’ It’s totally different like opposite side of the spectrum in terms of characterization,” say niya.
With Apollo, tinulungan siya ng creatives para mas mapaganda ang kanyang role bilang isang anak na nais ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang ama.
“‘Yun nga, with the help of my directors, the creative team, of course the cast members that are with me here, we were able to develop a different character with Apollo na feeling ko ay magmamarka sa mga tao din differently kung paano nagmarka si Lito Valmoria,” plaiwanag niya.
At dahil matagal din siyang nag-work sa “FPJ’s Ang Probinsiyano”, natanong si Richard kung ano ang natutunan niya sa show ni Coco Martin na nagamit niya sa “The Iron Heart”.
“Siguro how to adapt sa bilis ng pag-shift kasi alam naman nating lahat na sa ‘Ang Probinsyano’ ay wala namang script doon. Mabilisan ang galawan doon.
“It’s a good test for actors to be part of something like that because it will tests not only your capabilities as an artist but your patience as well,” say niya.
“I guess ‘yung (your) being able to adapt to different situations in terms of production, in terms of filming, being able to work with different kinds of style.
“As an actor, malaking growth para sa akin ‘yun. Masasabi kong nakapag-adapt ako sa different styles of filming,” he explained.
Iba raw ang approach nila sa “The Iron Heart”, “May (we have) script kami in advance and we have two directors and writers on the set. Talagang magkaiba ang approach niya.
“In terms of action naman, I really made sure na iba ‘yung makikita ng audience dito,” he said.
“The Iron Heart” which is scheduled to premiere on November 14 also stars Jake Cuenca, Albert Martinez, Diether Ocampo, Maja Salvador, Pepe Herrera, Baron Geisler, Sue Ramirez and Enzo Pineda.