KABOG ang solo debut ng K-Pop sensation BTS member na si Jin!
Matapos humakot ng milyon-milyong listeners sa iTunes, napasama na rin sa “Billboard’s Hot 100” ang kanya first solo single na pinamagatang “The Astronaut.”
Sa Twitter, inanunsyo ng American music at entertainment magazine na “Billboard “na nasa top 51 ang kanta ni Jin.
Sey sa tweet, “#Jin’s ‘The Astronaut’ debuts at No. 51 on this week’s #Hot100.
“It’s his first career solo entry on the chart.”
#JIN‘s “The Astronaut” debuts at No. 51 on this week’s #Hot100. It’s his first career solo entry on the chart.
— billboard charts (@billboardcharts) November 8, 2022
Bukod pa riyan, number one din sa Billboard ang kanyang kanta bilang “top-selling song” para sa linggong ito.
This week’s top-selling songs:
1. #JIN The Astronaut
2. @JuiceWorlddd In My Head
3. @rihanna Lift Me Up
4. @taylorswift13 Anti-Hero
5. @samsmith & @kimpetras Unholy— billboard charts (@billboardcharts) November 8, 2022
Ang bumubuo naman sa top five ng listahan ay ang mga kantang “In My Head” ng American rapper na si Juice WRLD, “Lift Me Up” ng pop star na si Rihanna, “Anti-hero” na bagong kanta ng superstar na si Taylor Swift, at “Unholy” na collaboration nina Sam Smith at Kim Petras.
Matatandaang inilabas ang “The Astronaut” noong October 28 at nanguna kaagad sa “iTunes Top Songs” charts sa halos 97 na lugar sa iba’t-ibang bansa.
As of this writing, trending pa rin sa YouTube ang music video ng kanta at umaani na ng mahigit 13 million views.
Mapapanood sa video ang istorya ni Jin bilang isang “alien” na naligaw sa planetang earth.
Nagkaroon din ng special cameo ang British rock band na “Coldplay” na naging katuwang ni Jin sa paggawa ng kanyang solo single.
Si Jin ang unang miyembro ng BTS na sasabak sa “mandatory military service” ng South Korea, na siyang susundan ng iba pa niyang kasamahan sa grupo.
Read more:
Son Ye Jin, Hyun Bin may pa-gender reveal sa first baby, fans nagdiwang: ‘So happy for my idol’
BTS Jin, Coldplay may pa-teaser sa bagong collab song, trending sa socmed