MAY bagong titulo ang Hollywood actor na si Chris Evans matapos bitawan ang kanyang superhero character bilang “Captain America.”
Itinanghal siyang “Sexiest Man Alive” ngayong taon ng American weekly magazine na “People.”
Ibinandera pa mismo ng magazine sa social media ang hot na hot niyang cover photo at may caption pang, “Introducing PEOPLE’s #SexiestManAlive, #ChrisEvans (fire emoji).”
Sa interview ng People’s magazine, sinabi ng 41-year-old na aktor na kasalukuyan pa siyang nag-aadjust sa bagong pagkilala sa kanya.
Sey niya, “This whole thing is tough to be interviewed about.
“It feels like a weird form of humble bragging.”
Gayupaman, ito raw ‘yung titulo na lubos na matutuwa ang kanyang ina.
Sabi niya, “My mom will be so happy.”
“She’s proud of everything I do but this is something she can really brag about,” aniya.
Nagkaroon pa ng rebelasyon si Chris at sinabing bukod sa kuntento na siya sa kanyang work-life balance, inaasam niyang magkaroon na ng sariling pamilya.
Chika niya, “When it comes to seeking out the people I play it’s more of an issue of where the movie shoots
Patuloy pa ng aktor, “I’m too old to be living out of a suitcase for six months and I’ve settled into a nicer phase where I’m just happy being at home.”
Nag-umpisang makilala si Chris sa ilang television shows, pero lalo siyang sumikat nang gampanan niya ang superhero na si Captain America sa Marvel Cinematic Universe.
Ang kanyang latest project ay ang Netflix action movie na “The Gray Man” kasama ang Canadian actor na si Ryan Gosling.
Read more:
11,000 empleyado ng kumpanyang ‘Meta’ nawalan ng trabaho
BTS Suga pak na pak ang bagong hairstyle, Pinagkaguluhan ng fans: ‘OMG! I’m screaming!’