Sulat mula kay Kimmie ng Maitum, Sarangani
Dear Sir Greenfield,
Tumatakbo ako sa panaginip at tatlong gabi na ito, bagaman hindi naman sunud-sunod. Basta malinaw na tumatakbo ako. Nais ko pong malaman ang kahulugan nito. Bakit kaya ako takbo nang takbo sa panaginip ko gayong wala naman po sa aking humahabol? Sa ngayon po ay nag-aaplay ako ng trabaho bilang D.H. sa Kuwait, matutuloy po ba ako? November 22, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Kimmie, ng Mai
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Malawak at maayos ang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay malinaw na tanda, ng isang mabungang “pagtakbo” at mabiyayang pangingibang-bansa, na tinatayang magaganap sa taon 2014 sa edad mong 27 pataas.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Three of Hearts at Queen of Hearts ang lumabas (Illustration 1.).
Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling natuloy ka sa pangingibang-bansa, isang lalaking kasing edad mo rin ang iibig sa iyo.
Itutuloy
Takbo sa panaginip
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...