ILANG beses nagpa-drug test si Claudine Barretto – at lahat ng naging resulta nito ay puro negative. At ayon sa kampo ng aktres, isa lang ang ibig sabihin nito, nagsisinungaling si Raymart Santiago.
Kahapon sa isang presscon isa-isang sinagot ng aktres ang mga akusasyon ni Raymart – una na nga ang diumano’y pagdodroga niya sa harap mismo ng kanilang mga anak.
Negative raw lahat ng resulta ng blood test ni Claudine. At ‘yung mga litratong isinumite ni Raymart sa korte kung saan makikita diumano na nagtuturok siya, hindi raw yun drugs, kundi Gerovital H3, isang uri ng anti-aging drug na beauty secret niya.
Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Claudine, “Pagod na pagod na ako. Sana kung magsasalita si Raymart, sana naiisip niya na nasa akin ang mga anak namin.
At habang salita siya nang salita ng masasakit laban sa akin ay napapanood ng mga anak ko.” Dagdag pa nito, “Kung totoong mentally ill ako or drug addict ako, bakit mo pababayaan sa akin ang mga bata ng ilang buwan?
Hindi ba dapat ‘yun ang unang binitbit mo, hindi ‘yung mga Louis Vuitton luggage, hindi relo at hindi pera. Kung hindi pa siya na TPO, wala siyang pakialam sa mga anak niya. So I dare him, magpa-drug test siya, ‘yung kumpleto din.”
Bukod dito, matigas na sinabi ng aktres na hindi na niya itinuturing na kapamilya sina Gretchen at Marjorie Barretto, at sana raw ay magpalit na ng kanilang apelyido ang dalawa niyang kapatid.
( Photo credit to Google )