NAKAKATAWA naman yung isang article na nabasa namin tungkol sa protesta ng Amerika, 24 hours after makoronahan ang ating kauna-unahang Miss World na si Megan Young.
Talagang gusto nilang karirin na maiproklama ding taga-USA si Megan dahil sabi sa artikulo, “Young should be credited as a U.S. entry as well. Young was born in the United States to an American father and Filipina mother, but moved at age 10 to the Philippines where she is currently a model, actress and television host.
Technically, she is also Miss U.S.A. Even her surname is very American. Can’t she be at least declared as a ‘dual contestant’ by virtue of her dual citizenship?”
Nag-aambisyon daw kasing maiuwi din ng USA ang nasabing title after nilang manalo ng Miss Universe (sila pala ang winner? Ha-hahaha!).
Nagbiro nga ang mga netizens na bakit hindi pa rin nila tangkaing kunin ang titulong Miss Supranational na napanalunan din natin kamakailan?
Ganyan pala ka-insecure ang mga Kano kapag nalalaman nilang “nalahian” lang nila ang Pilipinas and yet, tinatalo pa rin sila. Spell “INGGIT” mga ka-BANDERA? U.S.A. ba? Ha-hahahaha!
( Photo credit to INS