Iwa Moto may pakilig na mensahe para kay Pampi Lacson: ‘I’m proud that you are mine…thank you again for being the ONE!

Iwa Moto may pakilig na mensahe para kay Pampi Lacson: 'I'm proud that you are mine...thank you again for being the ONE!

Iwa Moto, Pampi Lacson, Thirdy, Hiromi Aiko at Caleb Jiro Lacson

MARAMING kinilig at na-touch sa super sweet message ng dating Kapuso actress na si Iwa Moto para sa kanyang longtime partner na si Panfilo “Pampi” Lacson Jr..

Sa kauna-unahang pagkakataon, nag-post ng mahabang appreciation post si Iwa para kay Pampi kung saan inilarawan pa niya itong “wonderful soul” kasabay ng pasasalamat sa kanyang “the one.”

“To the man I love. Mahal thank you. Because you have given me a family. You have been such a wonderful father to our children,” simulang caption ni Iwa sa ipinost na litrato ni Pampi sa Instagram.

Sabi pa ng “StarStruck” Avenger,  “We have been through a lot but we choose to hold each other’s hand and never let go. You have such a wonderful soul and I am proud that you are mine.”

Kasunod nito, nagbitiw din si Iwa ng pangako sa kanyang partner, “Always remember that I will always choose to stand by your side no matter what.

“You can close your eyes knowing that every time you wake up I’ll be there beside you. I will always choose to be your best friend, your enemy and your partner,” sabi pa ni Iwa.


“I know we will face a lot more in the future but always remember I will always choose you. I will love you ALWAYS and FOREVER. Thank you again for being the ONE,” ang mensahe pa ng dating aktres kay Pampi.

Mas lalo pang kinilig ang mga netizens nang mag-reply si Pampi sa post ni Iwa. Biniro pa niya ito na parang may nararamdaman siyang “something” sa pa-tribute sa kanya ng dyowa.

“Kinakabahan ako mukhang may kasalanan ka na. Bukas ko palang malalaman mahal. hahaha! joke! I love you too mahal. Thank you for taking care of us,” hirit ni Pampi.

Bukod sa mga kinilig na netizens, pati ang dating asawa ni Pampi na si Jodi Sta. Maria na nag-iwan ng single heart emoji sa post ni Iwa.

Anak ni Pampi kay Jodi si Thirdy na 17 years old na ngayong December. May dalawa namang anak sina
Iwa at Pampi – si Hiromi Aiko Eve o Mimi at Caleb Jiro.

Iwa Moto sa pagkatalo ni Ping Lacson: You’re still our champion, you are our hero…it’s not your loss

Iwa Moto beast mode sa babaeng nang-aasar kay Pampi Lacson: Wag ka nang papakita sa akin, wag ka na ring tatawag sa BF ko!

Iwa Moto tinawag na ‘pakialamerang palaka’ ng netizen, bet na mag-debate sina Leni at Ping

Read more...