Mica Javier may emosyonal na tribute kay ‘Tito Danny’: Yakap na napakahigpit…thank you for your love and blessing

Mica Javier may emosyonal na tribute kay 'Tito Danny': Yakap na napakahigpit...thank you for your love and blessing

Danny Javier, Jay-R at Mica Javier

ILANG araw makalipas ang pagpanaw ng OPM legend na si Danny Javier, isang emosyonal na tribute ang ibinahagi ng pamangkin niyang actress-singer na si Mica Javier.

Nakabase na ngayon si Mica sa Amerika at bago nga ihatid sa kanyang huling hantungan ang isa sa tatlong miyembro ng APO Hiking Society, nag-post siya ng mensahe ng pamamaalam para sa kanyang uncle.

Ipinost ni Mica ang isang video clip kung saan makikita ang isa sa mga touching moment nila ng kanyang “Tito Dan” na kuha sa wedding nila ng King of R&B na si Jay-R noong 2020.

“Yakap na napakahigpit—mula noon, hanggang ngayon. My dearest Tito Danny…


“Thank you for your love and blessing. Thank you for your guidance, wisdom, and for having my back, my family’s back at all times,” ang simulang pagbabahagi ni Mica.

Aniya pa, “I’m so grateful for the bond we shared and for all our talks and memories, which I will cherish and remember forever.

“I miss you already. Give mama and lola a big hug for me. I love you so much Tito Dan. Rest easy,” dagdag pang mensahe ng singer.

Pumanaw si Danny Javier noong October 31 sa edad na 75 “due to complications with heart, lungs, and kidneys.”

Nauna nang nagpahayag ng mga mensahe ng pakikiramay ang mga kasamahan niya sa APO Hiking Society na sina Boboy Garrovillo at Jim Paredes.

Nagbigay din ng tribute kay Danny ang mga kasamahan niya sa music industry tulad nina Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ice Seguerra at marami pang iba.

Danny Javier: Pumunta akong langit, purgatoryo at saka impiyerno…pagdating ko du’n ang daming taong nakapila

Danny Javier ng APO Hiking Society pumanaw na sa edad 75

Pagpanaw ni Danny Javier ipinagluluksa ng showbiz industry: ‘Panalangin ko sa habangbuhay, makapiling ka, makasama ka, yan ang panalangin ko…

Read more...