TULOY ang laban!
‘Yan ang mensahe ng talent manager ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino sa kanyang Facebook post matapos magka-aberya ang national costume ng ating pambato sa Miss Planet International 2022.
Ibinahagi ni Wilbert ang litrato ng dalawang malaking box na laman ang costume ni Herlene at sinabing nasa Uganda na ang mga ito.
May caption pa siya na, “Plan B for Herlene Hipon Budol National Costume just Arrived! Thank you lord (folded hands emoji) tuloy ang lavaaarn!! (face blowing a kiss emoji)”
Nagdiwang naman ang fans sa good news na ibinahagi ng talent manager at narito ang ilang komento na aming nabasa.
“Praise God at nakarating po ‘yung costumes ni Harlene Budol good luck, always keep praying Harlene.”
“Good things happen to wonderful people like you and Herlene…God bless you both in every way.”
“Dapat may compensation ‘yan galing sa airlines (smiling face with tear emoji) kasi kapabayaan nila ‘yun..haiizzt buti na lang nakahabol ang pang plan B…good luck team herlene!”
Noong November 5 unang ibinalita ni Herlene ang pagkadismaya sa airlines na kanilang sinakyan papuntang Uganda.
Nakuwento niya na napilitan silang paghiwalayin ang kanyang national costume dahil hindi ito pinayagang ipakarga sa eroplano at hindi pa niya ito kumpletong nakuha.
Saad ni Herlene sa post, “Pagdating ng Airport ayaw ipakarga kesyo over size daw, then No Choice narin kami at hinayaan nalang namin chinopchop nila at binaklas buong box.”
Patuloy pa niya, “Ang masaklap ‘yung pinaka body ng costume hindi nakarating ng UGANDA.
“Buong araw na kami asa Airport at tinengga oras namin at pinangakuan kami na darating ng gabi pero 2:30am na at wala na silang paramdam.”
Kasalukuyang nasa Uganda na si Herlene bilang representative ng Pilipinas para sa Miss Planet International pageant na gaganapin sa Nobyembre 19.
Nag-post ang beauty queen at host ng bagong update at ibinandera sa Facebook ang isang masayang video na nagsasayaw kasama ang mga bata sa Uganda.
Caption pa niya, “Salubungin ka ng mga batang masayahin na parang mga kababayan ko lang na kahit anong dagok ang dumating sa ating buhay, hindi nila nakakalimutan ngumiti! Ang kanilang halakhak at hiyawan ay nagsisilbing inspirasyon para ipagpatuloy ko ang aking misyon. Oli otya Uganda!”
Read more:
Herlene Budol nanawagan sa airlines, national costume hindi umabot sa Uganda
Herlene Budol ready na sa Miss Planet International, hiling na makapasok kahit sa semi-finals