Kylie Verzosa waging best actress sa Arab Film Festival: ‘Dreams do come true!’

Kylie Verzosa waging best actress sa Arab Film Festival:' Dreams do come true!'

PHOTO: Instagram/@kylieverzosa

LUBOS na ikinararangal ni Miss International 2016 at aktres na si Kylie Verzosa ang natanggap na parangal sa Dubai International Arab Festival Awards (DIAFA).

Naiuwi niya ang “Best Actress of the Year” para sa kanyang pagganap sa Philippine adaptation ng 2010 South Korean hit thriller na “The Housemaid.”

Nangyari ang awards night nitong November 4 sa Dubai Creek Harbour Marina sa United Arab Emirates.

Ibinandera pa ni Kylie ang memorable moment sa ilang posts sa Instagram at parehong may nakalagay sa caption na, “Dreams do come true.”

Sa video at pictures ay suot-suot niya ang isang elegant black gown habang bitbit ang trophy.

Makikita rin sa kanyang mukha ang sobrang pagkatuwa sa nakuhang pagkilala sa ibang bansa.

Proud din niyang binanggit sa isang post na lubos niyang ikinararangal na muling irepresenta ang Pilipinas.

Saad niya, “Such an honor to represent you again (Philippine flag emoji) (white heart emoji)”

Maraming celebrities at kapwa-beauty queens din siyempre ang natuwa at nagpaabot ng kanilang “congratulatory” messages.

Kabilang na riyan sina Meg Imperial, Lara Quigaman, Hannah Arnold, Ruffa Gutierrez, Michelle Dee, at marami pang iba.

Noong October 18 pa nang inanunsyo ng DIAFA sa social media na nagwagi si Kylie at kinumpirmang makakapunta sa kanilang awards night ang beauty queen-actress.

“Beauty Queen Kylie Verzosa will grace the DIAFA Red Carpet and Awards Ceremony and receive her #DIAFA Award for her outstanding role in #TheHousemaid,” lahad sa post.

Ang “The Housemaid” ay tungkol sa isang katulong na nasangkot sa “family affair” ng kanyang pinagsisilbihang mayamang pamilya.

Tampok rin sa pelikula sina Jaclyn Jose, Albert Martinez, Alma Moreno, at marami pang iba.

Read more:

Kylie Verzosa wagi bilang ‘Actress of the Year’ sa Dubai, rarampa sa red carpet

Marco Gumabao, Kylie Verzosa hindi pa nagiging magdyowa, mag-ex na agad…anyare?

Lolit Solis durog na durog sa fans ni Bea Alonzo; OOTD ni Kylie Verzosa napansin ni Paris Hilton

Read more...