Heart Evangelista na-stress nang makatabi si GOT7 Yugyeom: Kunwari lang akong walang pake…

Heart Evangelista na-stress nang makatabi si GOT7 Yugyeom: Kunwari lang akong walang pake…

PHOTO: Screengrab from Heart Evangelista’s YouTube vlog

MARAMING K-Pop fans ang napa-sana all sa fashion icon at influencer na si Heart Evangelista.

Paano ba naman kasi, nakatabi niya ang isa sa mga miyembro ng K-Pop boy group na “GOT7” na si Yugyeom!

Ibinandera niya ‘yan mismo sa kanyang latest YouTube vlog nitong November 5 habang ipinapakita ang ilang “behind-the-scenes” footage sa 2022 Milan. Fashion Week.

Kuhang-kuha sa video na seatmates nga ang dalawa sa isang event.

Pilit pang tinatago ni Heart ang kanyang pagka kilig at nanatiling kalmado sa buong show.

Sey pa niya sa kanyang vlog, “Kunwari lang wala akong pake, pero na-stress ako.

“‘Yung katabi ko, para sa inyo ito.”

Hindi lang si Heart ang na-stress, dahil pati ang fans ay stress na stress din sa kilig.

Nag-trending pa nga sa Twitter ang video clip nina Heart at Yugyeom at narito ang ilan sa mga nabasa naming tweets:

“Sino ba hindi ma stress mes hart sa ganyan ka gwapo (Grinning Squinting Face emoji)”

“Thank you for blessing us with Yugyeom footage Ms. Heart”

“I believe pinagpala talaga sya sa babaeng lahat. Paki-smile na lang miss Heart.”

“Very sweet and he is very handsome! Lucky you Ms Heart, and thank you!”

Anyway, nagkuwento rin si Heart sa kanyang vlog at sinabing matagal-tagal din bago siya nakabalik sa Milan.

Sinagot rin niya ang ilang tanong ng netizens kung bakit siya madalas dumalo sa mga ganitong klaseng events.

Sey niya na parte raw kasi ito ng kanyang trabaho.

“We are here in Milan. It’s been a while since I’ve been back to Milan, I think years and I’m so happy to be back… We’re here for fashion week and just a little trivia on why do I always go to fashion week? I go to fashion week because it’s our work,” sabi niya.

Dagdag pa niya, “Aside from the fact that it’s very fun, aside from the fact that I started fashion week because I was trying to be creative with my time.”

Kasama ni Heart ang kanyang glam duo na si Jeck Aguilar at Justine Soriano.

Madetalyeng ipinakita rin ni Heart kung gaano siya ka-busy pagdating sa mga Fashion Week.

Bukod sa mga dinadaluhang fashion shows ay nagkakaroon din siya ng “fittings” sa ilang luxury brands gaya ng Versace, Collini, at Moschino.

May mga eksena rin na mabilis siyang nagpapalit ng bonggang outfit sa loob ng kotse dahil sunod-sunod ang kanyang events.

Read more:

Heart Evangelista tampok sa American film na ‘The Wedding Hustler’

Heart Evangelista basag sa dental hygienist dahil sa paggamit ng ‘teeth whitening pen’

Heart Evangelista dinedma nga ba ang birthday ni Chiz Escudero: ‘Wala man lang greetings, kumare?’

Read more...