Pagkapanot ni Juancho Trivino sa ‘Maria Clara at Ibarra’ pak na pak sa netizens; Barbie Forteza makatakas pa kaya sa ‘Noli’?
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Juancho Trivino
MAS nagiging intense at exciting pa ang mga eksena sa Kapuso historical portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra.”
Frustrated na nga si Klay (Barbie Forteza) dahil tila wala siyang magawa para baguhin ang kapalaran ng mga karakter sa Noli Me Tangere gaya ng pagkawala nina Basilio at Crispin. Tuluyan na ring nabaliw si Sisa (Andrea Torres) dahil sa pangungulila sa kanyang mga anak.
Kaya naman ipu-push na lang ni Klay na umuwi sa kanyang pamilya. Binigyan siya ni Mr. Torres (Lou Veloso) ng 3 days para abangan ang blood moon na magsisilbing portal pabalik sa modern world.
Tuluyan na kayang makakaalis si Klay sa mundo ng nobela ni Dr. Jose Rizal? Paano na ang team #FiLay o Fidel (David Licauco) at Klay?
Samantala, “it’s complicated” naman ang peg nina Maria Clara (Julie Anne San Jose) at Ibarra (Dennis Trillo) dahil bihira na lang silang magkasama.
Feeling worried din si Maria Clara na baka mapahamak ang kanyang nobyo na pinag-iinitan ni Padre Salvi (Juancho Trivino). Ano kayang mangyayari sa mga bida ng Noli Me Tangere?
Tutukan ang lahat ng ‘yan sa “Maria Clara at Ibarra”, Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa GMA Telebabad.
Speaking of Juancho Trivino, enjoy na enjoy naman ang aktor sa pakikipagpalitan ng punchlines sa mga fans ng “Maria Clara at Ibarra” na “nang-ookray” sa character niya as Padre Salvi.
“Panot” ang tawag ngayon ng mga netizens at Kapuso viewers kay Juancho dahil nga sa hairstyle niya sa serye. Kaya sa latest episode ng “One on Juancho” podcast, sinagot ng mister ni Joyce Pring kung bakit walang buhok at bumbunan ng pari.
“Marami akong nakikitang mga tanong kung ano ba ‘yung nasa ulo ko, kung sadya ba ‘yun, ‘yung pagiging panot. Padre Salvi does not have a panot. Tonsure po ang tawag dito mga kaibigan,” paliwanag ni Juancho.
Aniya, ang pagkapanot ni Padre Salvi ay isa sa mga pina-practice ng Catholic Church noon bilang “sign of religious devotion and humility.”
Sabi pa ni Juancho, tuwang-tuwa siya sa mga naglalabasang memes sa social media tungkol sa itsura ni Padre Salvi
“Gets ko rin naman siyempre kung bakit nakakatawa. Combination na lang ng paggiging evil ni Padre Salvi at pagiging hindi natin informed na ganun pala ‘yung mga hairstyle nung mga unang panahon,” aniya pa.
Sa tanong naman ng isang netizen kung nasa-sunburn ba ang tuktok ng kanyang ulo, “Siguro si Padre Salvi pero ako hindi kasi siyempre makapal siya na mukhang skin.”
* * *
Hindi lang kilig overload pero puno rin ng inspiration para sa Dreamers ang bawat episode ng GMA primetime series na “Start-Up PH.”
Feeling pressured na si Dani (Bea Alonzo) dahil sa mga hinaharap na problema ng kanyang team! Dagdag bad vibes pa si Ina (Yasmien Kurdi) na walang ibang ginawa kundi pahirapan ang kanyang kapatid. May chance pa bang magkaayos ang dalawa?
Buti na lang nandiyan sina Tristan a.k.a. Good Boy (Alden Richards) at Dave (Jeric Gonzales) para suportahan si Dani! Hanggang kailan naman kaya nila itatago kay Dani ang biggest secret tungkol sa kanyang pen pal?
Huwag palampasin ang maiinit na eksena sa “Start-Up PH”, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA.