LRT wala nang libreng sakay sa mga estudyante

LRT wala nang libreng sakay sa mga estudyante

Image from LRMC

TAPOS na ngayong araw, November 5, ang libreng sakay ng LRT para sa mga estudyante.

‘Yan ang naging paalala ng  Light Rail Transit Authority (LRTA) sa isang Facebook post.

Pero sinabi ng ahensya na kahit wala nang libreng sakay ay pwede pa ring mag-avail ng 20% discount ang mga pasaherong estudyante.

Sey sa post, “Simula ika- 6 ng Nobyembre ang mga estudyante ay maaaring mag-avail ulit ng 20% discount.

“Ipakita lamang ang school ID o proof of enrollment sa Passenger Assistance Office o Ticket booth.”

Ni-report din ng LRTA na milyon-milyong estudyante ang nakinabang sa kanilang libreng sakay program.

“Sa ngayon umabot na sa 1,527,219 ang nakinabang sa libreng sakay ng LRT-2  sa loob ng 58 na araw simula nang ipatupad ang programa,” sabi ng ahensya.

Dagdag pa sa caption, “Matatandaang ipinatupad ng pamahalaan ang libreng sakay noong ika-22 ng Agosto para makatulong sa  mga estudyante na naapektuhan ang pag-aaral ng pandemya gayundin ng mga magulang sa gitna ng tumataas na presyo ng gasolina at pangunahing bilihin.”

Maraming netizens naman ang nagkomento sa post ng LRTA at karamihan diyan ay mga estudyante na nagpapasalamat.

Narito ang ilang komento na aming nabasa:

“Bilang isang studyante at railway enthusiasts malaki natipid ko pero all things come to an end but still very very thankful! Thank you so much Light Rail Transit Authority – LRT2

“Walang talagang forever hahaha. Anyways maraming salamat Po LRT-2 sa pag bigay nyo ng Libreng sakay sa mga estudyante sa loob ng ilang buwan.”

“Bagamat may naitulong pero hindi naging long term effect sa mga commuter. Maigi sanang gawing permanent yung price subsidy para ma-lessen yung bigat ng pamasahe.”

“Extend po please (sad face emoji) char, pero maraming thank you lrt (red heart emoji) Di nako makakagala HAHAHA”

Read more:

DepEd: Bawal maging ‘friends’ ang guro, estudyante sa labas ng klase

‘Libreng Sakay at Meryenda,’ handog ng TNT sa LRT-1 passengers sa ika-12 ng Setyembre

Inagurasyon ng LRT-2 East Extension, ini-reschedule sa June 23

Read more...