Kuwento ng mga kaibigan naming malapit lang ang tinitirhan sa ipinatatayong bahay nina Charice Pempengco at Alyssa Quijano sa Laguna ay punumpuno raw ng pakikisama sa kanilang mga kapitbahay ang magkarelasyon.
“Walang angas si Charice, kapag may dumadaan sa kanila, ready na agad ang smile niya. Kahit si Alyssa, mabait ang bata, kaya love sila sa community nila,” kuwento ng aming kaibigan.
Nakalipat na pala sila sa bagong bahay, garden na lang daw ang pinagkakaabalahan pa ng dalawa, para silang nagbabahay-bahayan ayon sa aming kaibigan.
Sa nakaraan nilang concert ni Aiza Seguerra ay diretsong sinabi ni Charice na kung siya ang tatanungin ay gusto na niyang maging maayos ang relasyon nila ng kanyang pamilya.
Naniniwala siyang isang araw ay darating din ang masarap na pagkakataong ‘yun, magkakasundo rin silang mag-ina, matatanggap na rin ng kanyang pamilya si Alyssa Quijano.
‘Yun lang naman ang kinokontra ng kanyang ina, ang pakikipagrelasyon niya kay Alyssa na ayaw na ayaw nito, ipinaglalaban naman ni Charice ang kanilang pagmamahalan.
“Opo naman, miss ko na ang mommy at kapatid ko, gusto ko na silang makasama uli. Pero right now, meron pa kasi silang gustong gawin ko na hindi ko naman magagawa.
“I love Alyssa, I care for her, hindi ko siya puwedeng talikuran just because ‘yun ang gustong mangyari ng ibang tao,” madiing paninindigan pa ni Charice Pempengco.
( Photo credit to Google )