Maxine Medina binara ang epal na basher: I still look good, ikaw?

Maxine Medina binara ang epal na basher: I still look good, ikaw?

PHOTO: Instagram/@maxine_medina

HINDI pinalampas ng beauty queen at Kapuso aktres na si Maxine Medina ang isang epal na basher na nagkomento sa kanyang Instagram post.

Sa naturang post ay ibinandera ng aktres ang ilan sa mga portrait photos niya habang ipinakilala ang kanyang gagampanang karakter sa bagong teleserye.

Caption niya pa, “Hello meet BLAIRE, a popular celebrity stylist and fashion designer. Abangan”

Makikita sa comments section ang mga pagbati ng fans para sa upcoming project, pero hindi maikakaila na may iilang pangba-bash din kay Maxine.

Isa na riyan ang isang comment na sinabing, “Taba- mo na.”

Hindi namang nagpatinag ang beauty queen at nasampolan tuloy ang nag-comment.

Sagot ni Maxine sa basher, “Really? I think so too but i still look good ikaw? (blushing emoji)”

PHOTO: Screengrab from Maxine Medina’s Instagram post

Hindi naman na sumagot ang basher sa aktres pero mababasa pa ang replies na tila pinagtulungan pa ng ilang fans ang mapanglait na netizen.

Narito ang ilan sa mga rumesbak para kay Maxine:

“panis hahaha dika nakasagot noh?”

“Who u ka ngaun (laughing emoji)”

“ang bully mo, wala ka namang ambag!”

Anyway mga ka-bandera, ibinalita ng GMA na gaganap bilang kontrabida si Maxine sa upcoming teleserye na pinamagatang “Magandang Dilag.”

Bago pasukin ang mundo ng showbiz, matatandaang noong 2016 nang lumaban sa Miss Universe competition si Maxine at nagtapos sa Top 6 finalist.

Read more:

Maxine Medina engaged na sa dyowang diving instructor: ‘Finally my forever!’

Maxine Medina pinatatag ng pageants para sa showbiz

Maxine Medina sa pandudura ni Kylie Versoza: Nag-sorry siya after 4 days 

Read more...