Maine Mendoza ilang beses nang nasira ang tiwala: I open up tapos hindi naman sila trustworthy…

Maine Mendoza ilang beses nang nasira ang tiwala: I open up tapos hindi naman sila trustworthy…

PHOTO: Instagram/@mainedcm

MADALAS mapa-sana all ang madlang pipol sa lovelife ng Kapuso actress at TV host Maine Mendoza, pero kabaligtaran naman nito ang kanyang relasyon pagdating sa ilang mga inaakala niyang kaibigan.

Sa isang exclusive interview ng fashion magazine na Mega, ibinunyag ng Dubsmash Queen na ilang beses nang nasira ang kanyang tiwala dahil sa pagiging pala-kaibigan niya.

Paliwanag ni Maine na madaling makuha ang kanyang loob at hindi namamalayan na marami na pala siyang naikukwento tungkol sa kanyang buhay.

Kwento ng aktres, “When I meet someone, and I feel this certain connection with them, opening up comes easy.”

Pero nilinaw naman niya na hindi naman lahat ng mga nagiging kaibigan niya ay panandalian lang.

Sa katunayan nga raw, may mga matagal na siyang kaibigan at hanggang ngayon ay nakakausap pa niya.

Aniya, “Madaling makuha ang loob ko, but it doesn’t happen with everyone that I meet in the industry.

“It’s rare to have that kind of connection.

“Fortunately, most of the people I’ve experienced that connection with ended up being my friends until now.”

Nakwento pa niya na sa tagal ng kanyang karera sa showbiz industry ay maraming beses na raw siyang naging “brokenhearted” pagdating sa kaibigan.

Chika niya, “Every time I meet someone, I feel this connection, I open up, ’tapos hindi naman sila trustworthy.”

Dagdag pa niya, “Then another person comes along, the same thing happens. Hindi na ako natuto.

“It’s a cycle for me, and I’d like to say I’m used to getting my heart broken when it comes to friendships, but I’m still okay. It happens.”

Ibinahagi rin ng aktres sa local magazine na gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya.

Sabi niya, “I really want to build a family, I want to have kids, and I want to travel with them and make more memories.

“That’s what I’m looking forward to. It’s scary, but I’m excited.”

Si Maine ang cover girl ng naturang magazine para sa buwan ng Nobyembre at dahil dito ay trending siya ngayon sa Twitter.

Read more:

Aga Muhlach, Maine Mendoza, Catriona Gray, K Brosas lalaban sa 27th Asian Television Awards

Arjo Atayde inaming ‘more than a year’ ang pagpaplano ng proposal kay Maine Mendoza

Maine Mendoza, Arjo Atayde ginulat ang netizens: Wait, whaaaat??? We’re engaged?!

Read more...