Kakai Bautista: ‘Wag kang mag-anak kung hindi mo kayang buhayin

Kakai Bautista: 'Wag kang mag-anak kung hindi mo kayang buhayin
NAGBIGAY ng payo ang singer-comedienne na si Kakai Bautista ukol sa pagkakaroon o pagbuo ng pamilya.

Isang Facebook page kasi ang nagbahagi ng screenshot ng komento ng komedyana patungkol sa pagkakaroon ng anak.

Bagamat noong October 21 pa ang naturang post ay patuloy pa rin itong nakakakuha ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens.

“’Wag kang mag-anak kung hindi mo kayang buhayin,” panimula ni Kakai.

Pagpapatuloy niya, “Maawa ka sa batang hindi makakain nang tama, makakapag-aral nang tama at hindi mo mabibigyan ng magandang future dahil lang GUSTO mong magkaanak nang hindi mo plinano at pinag-isipan.”

Giit pa ni Kakai, hindi naman maituturing na kasalanan kung desisyon mo ang huwag magkaroon ng anak.

“Hindi kasalanan ang hindi mo gustuhing magkaanak, ang kasalanan ay ang hindi mo kayang buhayin nang maayos ang magiging anak mo,” sabi pa ng komedyante.

Paalala pa ni Kakai, “Mabuhay ka within your means. Sa mga bagay na kaya mo lang isustain.”

Ngunit aminin man natin o hindi, marami pa rin sa madlang pipol ang ginagawang sukata ang pagkakaroon ng anak para matawag na isang ganap na “babae” ang kababaihan.

Kaya naman naging usap-usapan ang pahayag ni Kakai na sinang-ayunan nang nakararami.

May ilan pa nga na nagsasabing dapat na raw wasakan ang “toxic culture” ng pagkakaroon ng anak o pagbuo ng pamilya kung wala pa naman itong kakayanang bumuhay at magtaguyod para sa mga anak.

“Yung iba nag anak para guminhiwa ang buhay ‘anak mabigyan mo sana kami ng magandang buhay’, ‘mag asawa ka ng foreigner para matulungan mo kami’.. what a such toxic mindset and culture,” conment ng isang netizen.

 

Saad naman ng isa, “One of my reasons why i can’t afford to have another baby kasi I’ve been in a situation na di ko kayang buhayin yung mismong anak ko…”

“Gagawing retirement plan Yung mga anak. Tapos ikaw na nananahimik Buhay mo.. sasabihan ka. Mag-anak ka na.. mahihirapan ka nang magbuntis.. sinagot ko ng kesa naman ganyan Buhay sayo Ang ibibigay ko sa magiging anak ko. Wag na! Hindi ako magluluwal Ng Bata para iparanas sa kanya Yung Hindi naman dapat nya nararanasan habang Bata sya.. Yung nalilipasan Ng gutom dahil naghihintay pa Ng hiniram na Pera?? Ay no, no ako diyan, sey naman ng isa,” agree naman ng isa kay Kakai.

Aware naman ang nakararami na isa rin ang teenage pregnancy sa mga mabibigat na problemang kinakaharap ng Pilipinas.

Related Chika:
Kakai Bautista: Walang pera-pera ngayon, walang fame, walang everything…we are powerless

Ryan, Kakai trending sa socmed matapos maturukan

Payo kay Kakai: Ipagawa mo ang ipin mo, may potential kang maging sikat na singer

Read more...