Lee Ji Han kabilang sa mga nasawi sa Itaewon Halloween stampede

Lee Ji Han kabilang sa mga nasawi sa Itaewon Halloween stampede
ISA ang Korean actor na si Lee Ji Han sa mga nasawi sa nakalulungkot na trahedyang nangyari sa Halloween stampede sa Itaewon, South Korea.

Mismong ang kanyang agency na 935 Entertainment ang nagkumpirma na kabilang nga ang aktor sa mga pumanaw sa nangyaring stampede.

“It is true that Lee Ji Han passed away due to the accident in Itaewon on October 29,” saad ng representative ng kanyang agency.

Pagpapatuloy nito, “We also hoped it wasn’t true and we were very surprised to hear the news. The family is going through immense pain right now so we are being very cautious. May he rest in peace.”

Unang lumabas ang balitang pagpanaw ni Lee Ji Han nang mag-post ang kanyang mga nakasama sa season 2 ng “Produce 101″ na sina Kim Do Hyun, Cho Jin Hyung, at Park Hee Seok patungkol sa nangyaring trahedya.

“Ji Han has left this world and gone to a comfortable place. We ask you to bid him farewell on his final journey,” anila.

Ayon sa report na inilabas ng Yonhap News Agency, 153 katao ang namatay sa nangyaring crowd crush kabilang si Lee Ji Han  samantalang 133 naman ang naging sugatan.

Ayon naman sa kwento ni Kuya Kim Atienza na saktong nasa South Korea nang mangyari ang trahedya, naipit at naipon ang mga dumalo sa event sa maliit na eskinita papunta sa Itaewon venue hanggang sa dumami na nang dumami at hindi na nakausad ang mga tao kaya nagresulta ng suffocation ng mga tao na dahilan ng pagkasawi ng ilan pang mga um-attent sa naturang event.

Si Lee Ji Han ay unang nakilala nang sumali ito bilang contestant ng “Produce 101” season 2 noong 2017.

Taong 2019 naman nang magkaroon ito ng acting debut sa isang web drama na “Today Was Another Nam Hyun Day”.

Magaganap ang burol ni Lee Ji Han sa Myeongji Hospital Funeral Hall No. 8 at nakatakdang ilibing ngayong araw, November 1.

Related Chika:
149 katao patay sa ‘Itaewon Holloween’ stampede sa South Korea; ano nga kaya ang tunay na nangyari?

Kuya Kim inakalang panaginip lang ang Itaewon stampede, sabi raw ng ilang kabataan: ‘This is all part of the party, it’s a prank!’

Read more...