“PANALANGIN ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko…
“At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa ‘king piling
Mahal ko iyong dinggin.”
Yan ang ilang bahagi ng lyrics ng classic hit ng APO Hiking Society na kinabibilangan nina Boboy Garovillo, Jim Paredes at Danny Javier na siguradong mas magmamarka ngayon sa kanilang mga tagahanga.
Nagluluksa ang buong showbiz industry sa pagpanaw ni Danny Javier kahapon, October 31, sa edad na 75. Bumabaha ngayon ng mensahe ng pakikiramay sa social media sa mga naulila ng OPM legend.
Kanya-kanyang post sa socmed ang ilang celebrities ng kanilang pamamaalam kay Danny Javier kabilang na ang mga nakatrabaho niya sa industriya ng musika.
Una ngang nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng OPM icon ang grupong The CompanY, “The CompanY sends their deepest and heartfelt condolences to the family and friends of Danny Javier. Tight hugs to Jim Paredes and Boboy Garovillo. The APO help built OPM to what it is now. Your legacies are cemented for the ages. Thank you for Danny.”
Tweet ni Sen. Tito Sotto na isa ring singer-composer, “Danny! We were together frm 1972 to 74. Last time we met was in Beverly Place Country Club few years ago. We always had our private jokes. The industry will miss you, my Friend, but you will now be singing for a far greater audience!”
Sa Facebook naman idinaan ng singer na si Audie Gemora ang mensahe para sa yumaong singer, “Sad day. To quote Don McLean, ‘the day the music died.’ OPM has lost an icon — Danny Javier. Like all great artists, his legacy will live on.”
Ito naman ang nakasaad sa Facebook page ni Sen. Bong Revilla, “Nakikiramay po tayo sa pagpanaw ng isa sa myembro ng Apo Hiking Society na si Mr. Danny Javier.
“Sadyang nakalulungkot po ang pagkawala ng isa sa mga naging pundasyon ng ating Original Pilipino Music o OPM.
“Rest in peace, Danny. Mananatili kaming nagpapasalamat sa musikang buong puso mong ibinahagi hindi lang sa aming mga Pilipino kundi sa buong mundo.”
Ilang lyrics naman ng kantang “Pumapatak Na Naman Ang Ulan” ng APO ang ipinost ng writer-director na si Bibeth Orteza sa kanyang Facebook account.
“Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay/ Di maiwasang gumawa nang di inaasahang bagay/ Laklak nang laklak ng beer sa magdamagan/ May kahirapan at di maiwasan/ Mabuti pa kayang matulog ka na lang/ At baka sumakit ang tiyan…”
“Tulog ka na. Godspeed!”
Mensahe naman ni Dulce, “My loyal friend it’s been a while since we’ve talked.. but I keep in my heart all the time your admonitions and reminders that even behind the chaos and darkness I face, we must cross the river, face the ground without fear, for ever The beginning of righteousness and truth is our weapon.
“Thank you so much dear friend and brother.. Let’s take a rest.”
Pakikiramay ni Richard Reynoso, “He was one of the people I truly looked up to in the industry. He was my musical idol, my online game clanmate, my adviser, and my friend.
“Sayang, kap. Di na natin marerecord yung kanta with the OPM Hitmen. I guess God has other plans.
“Maraming salamat sa kuwentuhan, pagkakaibigan at pagmamahal. Pangako. Di kita malilimutan and you will be fondly thought of. Pahinga ka na, kap. Labyu!”
Matatandaang sa presscon ng Kapuso series na “Unica Hija” kung saan kasama nga sa cast members si Boboy, nabanggit nga nito na mukhang imposible nang magkaroon ng reunion concert ang APO Hiking Society.
“Actually, we’re all separated kasi si Jim is in Australia, but a lot times he’s here also in Manila. Still doing, writing songs and all.
“Danny is not well. He’s medyo may kahinaan, may karamdaman. He is recovering. He is recovering. Iyon po. Reunion, mukhang malabo yun. Di na possible.
“In fact, minsan kami ni Jim, we accept mga private invitations, mga party, dumadayo naman kami,” aniya.
Danny Javier ng APO Hiking Society pumanaw na sa edad 75