Gabbi Garcia umaming insecure noon sa kanyang itsura: I really had that ugly duckling phase…hindi ba ako maganda for showbiz?
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Gabbi Garcia
KNOWS n’yo ba na may pagkakataon din sa buhay ng Kapuso actress at TV host na si Gabbi Garcia na nai-insecure siya sa kanyang itsura?
Ayan tayo, eh! Sa itsura na yan ni Gabbi, e, talagang may insecurity factor pa rin pala. So, paano na tayong hindi masyadong nabiyayaan ng artistahin look? Ha-hahaha! Cheret lang!
Sa part 2 ng guesting ni Gabbi at ng boyfriend niyang si Khalil Ramos sa “Updated with Nelson Canlas” podcast, sinabi ng dalaga na hindi talaga siya comfortable at confident sa sarili niya hanggang noong high school days.
“I really had that ugly duckling phase pero parang siguro kasi I was just really carefree when I was a kid. Malakas ‘yung self-esteem ko when I was a kid.
“So, parang I was like really comfortable with myself, but it wasn’t easy. When I was in grade school, I wasn’t that comfortable.
“May stage ako na parang, ‘Bakit ganu’n? Lahat ng kasabayan ko mag-VTR, lahat sila artista na? Hindi ba ako maganda for showbiz?'” pagbabahagi ni Gabbi.
Aniya pa, “May ganu’ng phase ako, promise. When I was in grade school, ang chinita ko na ang morena ko na parang laging akong pale.
“Tapos hindi ako payat, hindi rin ako mataba parang somewhere in the middle na hindi ko maintindihan. Yung pinaka-insecure akong stage was in grade school,” aniya pa.
At noong nagsisimula na nga siyang mag-showbiz, unti-unti na siyang nagkaroon ng self-confidence pati na ang pagiging proud morena.
“When I was starting, uso pa rin talaga ‘yung notion ng tao na kailangan mestisa ka para maganda ka. So, it’s nice to be able to represent all the other Filipina girls who look like me na more, ‘di ba?’
“I would always travel for different brands tapos may mga representative ‘yan, kunwari pag Asia or minsan sa US din, per country may representative, and it’s nice to represent the Filipina beauty ‘di ba?'” chika ni Gabbi.
Nilinaw naman agad ng aktres na hindi siya kontra sa mga taong nais magpabago ng kulay, basta sa ikasasaya at ikaliligaya ng mga ito.
“I mean nothing against girls who would like to be whiter. I mean, ‘di ba, it’s your body. You do you, kung saan ka masaya.
“But I also like to inspire all the other girls na natatakot na feeling nila ang society ang nagdi-dictate kung ano maganda,” pahayag pa ni Gabbi.