Danny Javier
SUMAKABILANG-BUHAY na ang OPM legend at miyembro ng iconic trio na APO Hiking Society na si Danny Javier. Siya ay 75 years old.
Kinumpirma ng anak ni Danny na si Justine Javier Long ngayong araw, October 31, ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.
Kumplikasyon daw sa mga iniindang karamdaman ng kanyang ama ang naging sanhi ng pagkamatay nito.
“In life, as in his death, our Pop never stopped fighting for what he loved, what he believed in and what he was passionate about.
“He left this world with his passion and his strength of will intact and we know he would not have it any other way,” ang nakasaad sa FB post ni Justine.
Kasunod nito, humingi rin ng pang-unawa at privacy ang pamilya ng pumanaw na singer-songwriter habang sila’y nagdadalamhati at naghahanda sa burol ni Danny.
Nagpasalamat din ang pamilya Javier sa lahat ng nakikiramay at nagpapadala ng mensahe sa kanila pati na sa mga nagdarasal para sa katahimikan ng kaluluwa ng kanilang padre de pamilya.
“Maraming salamat po. Ramdam na ramdam namin ang pagmamahal ninyong lahat para sa kanya.
“Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami’y kasama mo,” ang pahayag pa ni Justine na hango sa pinasikat na kanta ng APO Hiking Society.
Ilang araw pa lamang ang nakararaan nang sabihin ng isa pang miyembro ng APO na si Boboy Garrovillo, na imposible nang magkaroon ng reunion concert ang grupo dahil sa karamdaman ni Danny.
“Danny is not well. He’s medyo may kahinaan, may karamdaman, so he is recovering,” sabi ni Boboy.
Matatandaang noong 2020, mismong si Danny ang nagbalita sa publiko sa pamamagitan ng Facebook tungkol sa kanyang “health concerns with my heart, lungs, and kidneys.”
Sina Danny, Boboy at Jim Paredes ng APO Hiking Society ang nagpasikat ng mga classic hits na “Batang-Bata Ka Pa,” “Panalangin,” at “Bawat Bata.” Ang ilan naman sa mga ginawa niyang kanta ay ang “Pumapatak ang Ulan (1978), “Kaibigan” (1978), “Doo bidoo” (1978), “Kabilugan ng Buwan” (1980), “Blue Jeans” (1981), “Di Na Natuto” (1985), “Kumot At Unan” (1991), A”wit ng Barkada” (1991), “Just A Smile Away” (1992),”Lumang Tugtugin” (1992) at “Isang Dangkal” (1999).
Bumuhos naman ang mga mensahe ng pakikiramay sa pamilya ni Danny mula sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa mundo ng showbiz.
Jim Paredes pinatunayang malakas pa rin sa edad 70: We must know how to live and how to die…
OPM legend Claire dela Fuente pumanaw na sa edad 62
Bakit imposible nang magkaroon ng reunion concert ang APO Hiking Society?