Ilang celebs agaw-eksena sa kani-kanilang Halloween costumes, pak na pak sa netizens

Ilang celebs agaw-eksena sa kani-kanilang Halloween costumes, pak na pak sa netizens

Photos from Instagram

HALLOWEEN ang isa sa mga okasyon na madalas abangan hindi lang ng mga artista, kundi pati na rin ng fans.

Dito kasi naglalabasan ang kakaibang gimik at pasabog pagdating sa pinaka nakakatakot o nakakaaliw na mga kasuotan.

At dahil diyan, muling kinarir ng ilang celebrities at personalities ang kani-kanilang Halloween costume ngayong taon at agaw-eksena ‘yan sa social media.

Laban kung laban ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach na naging kontrabida bilang queen version ni “Mojo Jojo” ng iconic anime series na “Powerpuff Girls.”

Ibinahagi ni Pia ang kanyang photoshoot kasama ang kanyang glam team na sina BJ Pascual, Jelly Eugenio, at Renz Pangilinan na nagsilbi bilang “Powerpuff Gayz”

Caption pa ng beauty queen, “Mojo Jojo and the Powerpuff Gayz join forces.

“Together, we’re fighting crime trying to save the world.”

Nag-transform naman bilang “Stranger Things” characters ang pamilyang Crawford.

Sa Instagram post ni Coleen Garcia, makikita ang isang video kalakip ang caption na, “Didn’t wanna break our little tradition, so we did what we could.

“Also made the most of Amari’s (too short) haircut and took his photos before we left Manila.

@billycrawford said he couldn’t dress as any of the kids because of his beard, I told him he was wrong.”

Hot na hot naman ang aktor at model na si Tony Labrusca matapos i-post ang kanyang litrato na naka-boxer briefs at naka-mask ng Spiderman mask.

May entry din siyempre ang komedyante at aktres na si Alex Gonzaga kasama ang mister na si Michael Morada.

Good vibes ang napili nilang costume dahil ang ginaya pala nila ay ang kanyang ate na si Toni Gonzaga at asawa nito na si Direk Paul Soriano.

Hindi rin nagpakabog ang Kapamilya aktres na si Andrea Brillantes.

Inspired ang kanyang costume sa paborito niyang karakter sa 2014 animated film na “The Book of Life” na si “La Muerte,” ang Goddess of Death ayon sa Spanish folklore.

Samantala, imbes na manakot ay nagpkilig naman ang on screen partners na sina Alexa Ilacad at KD Estrada na nag ala-Emily at Victor sa animated film na “Corpse Bride.”

Ibinandera ni Alexa ang isang video na ginaya ang ilang eksena sa palabas at may caption pa itong, “I was a bride. My dreams were taken from me.

“But now, I’ve stolen them from someone else.

“I love you, Victor, but you are not mine.”

Read more...