Nagtulung-tulong ang mga rescue team at bumbero sa pagresponde sa naganap na stampede sa Holloween event ng Seoul, South Korea
MAHIGIT 140 katao ang nasawi matapos magkaroon ng stampede habang isinasagawa ang Halloween celebration sa Itaewon district sa Seoul, South Korea, kagabi, October 29.
Sa ulat ng South Korean National Fire Agency, maaaring tumaas pa raw ang death toll dahil sa dami ng mga sugatang biktima na naipit at napuruhan sa stampede.
Inilarawan pa ang naganap na trahedya bilang “worst peacetime disaster” sa South Korea, sumunod sa Sewol Ferry Tragedy noong 2014 kung saan mahigit 300 katao ang nasawi.
Ang labi ng mga namatay na biktima na karamihan umano ay mga kababaihang nasa edad 20s, ay pansamantalang inilagak sa isang gymnasium sa nasabing lugar. Base sa ulat, 19 foreign nationals ang nasawi sa stampede at wala pa namang naiuulat na Pinoy na nakasama sa listahan ng mga biktima.
Ayon sa paunang report ng mga rumespondeng fire official sa pinangyarihan ng stampede, napakarami pang biktima ang isinugod sa iba’t ibang ospital na nasa kritikal na kondisyon.
“The high number of casualties was the result of many being trampled during the Halloween event,” ang isinalin sa Ingles na pahayag ni Fire department official Choi Seong-beom sa ulat ng MBC, ngayong araw.
Mariin namang itinanggi ni Choi Seong-beom ang kumalat na balita na gas leak ang naging sanhi ng naganap trahedya.
Ilang sandali lang matapos mabalita ang nasabing insidente ay ipinag-utos agad ni South Korean President Yoon Suk-yeol na bigyan ng agarang medical attention ang mga biktima.
Kilala ang Itaewon sa napakaraming resto bar at mga kainan sa Korea. Ito rin ang sinasabing sentro ng night life sa Seoul na dinarayo talaga ng mga local at international tourists doon.
Sa isang report, may isang nagpakilalang nanay na nagsabing isa raw ang mga anak niya sa mga nakaligtas sa trahedya. Aniya, mahigit isang oras na-trap ang anak niya nadaganan ng mga namatay na biktima.
Bukod sa mga ambulansiya, nag-set up na rin ng pansamantalang morge ang mga otoridad sa isang building na malapit sa pinangyarihan ng insidente. Doon dinala ang mahigit apat na dosenang bangkay para kilalanin ng kanilang mga kapamilya.
“You would see big crowds at Christmas and fireworks, but this was several ten-folds bigger than any of that,” ang pahayag ni Park Jung-hoon nang makapanayam ng mga kinauukulan.
Samantala, nag-tweet naman si British Prime Minister Rishi Sunak nang mabalitaan ang masaklap na balita. Aniya, “All our thoughts are with those currently responding and all South Koreans at this very distressing time.”
Mensahe naman ni U.S. Secretary of State Antony Blinken sa pamamagitan din ng Twitter, “We send our thoughts and deepest condolences to the family and friends of the deceased and injured, as well as to the people of (South Korea) as they mourn this horrific tragedy.”
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa Korea para mabatid ang tunay na dahilan ng stampede. Ngunit totoo nga kaya ang balita na nagsimulang magkagulo ang mga tao nang malaman nilang may sikat na Korean star daw na nasa isang restaurant sa nasabing area.
Pinangunahan naman ni President Yoon Suk-yeol ang naganap na emergency meeting kasama ang kanyang mga senior aides kasabay ng pagbuo ng isang task force para sa pagbibigay ng assistance sa lahat ng biktima.
“The South Korean government will operate a funeral support team and respond fully to the treatment of the injured along with the Ministry of Health and Welfare. Psychological treatment for the families and the injured will also be provided,” ayon naman kay Prime Minister Han Duck-soo.
17 katao mula sa Miss World 2021 pageant nag-positive sa COVID-19
Kapuso stars na napili sa ‘Running Man PH’ ibabandera na bukas sa ’24 Oras’; 2 buwan magsu-shooting sa Korea
Belle Mariano itinanghal na Outstanding Asian Star 2022 sa 17th Seoul International Drama Awards