Sarah Geronimo nag-sorry kina Mommy Divine at Daddy Delfin: Araw-araw ko po kayong nami-miss at naiisip

Sarah Geronimo nag-sorry kina Mommy Divine at Daddy Delfin: Araw-araw ko po kayong nami-miss at naiisip

GINULAT ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang madlang pipol sa kanyang ibinahaging open letter.

Nitong Sabado, October 29, nag-upload ang actress-singer ng isang photocard sa kanyang Instagram account ng isang bible verse.

“The Lord id my strength and shield. I trust Him with all my heart. He helps me, and my heart is filled with joy. I burst out in the songs of thanksgiving,” nakasaad sa photocard na in-upload ni Sarah na hango sa Psalms 28:7.

At kasunod nga nito ang tila open letter ng asawa ni Matteo Guidicelli sa kanyang pamilya, manager, at sa lahat ng mga taong patuloy na nagbibigay suporta sa kanya.

Aniya, hindi niya madalas gawin ang ganitong bagay dahil nais rin niyang manatiling pribado ang kanyang personal na buhay ngunit nais niyang kunin ang pagkakataon na makahingi ng tawad sa kanyang pamilya.

“Pinipili ko pong kunin ang pagkakataon na ito.. na humingi ng tawad sa aking pamilya na labis na nasaktan sa aking mga naging desisyon sa buhay. Patawad po.”

Labis rin ang pasasalanat ni Sarah sa kanyang mga magulang na siyang nag-aruga at nagbigay buhay sa kanya at sa kanyang mga kapatid.

“Lahat ng suporta at pag-aaruga.. ang inyong walang katumbas na pagmamahal, walang sinuman ang pwedeng makapagpunan po nito.

“Mahal na mahal ko kayo.. daddy at mama ko. Araw-araw ko po kayong nami-miss at naiisip,” pagpapatuloy ni Sarah.

Kung mayroon man raw siyang natutunan sa kanyang sitwasyon, ito ay ang pang-unawa at pagtanggap na walng perpekto sa buhay.

Lahad ni Sarah, “Ang pinakaimportante ay ang pagpapakumbaba na tanggapin ang katotohanan na ito at pagtutulungan na maging mas mabuti at mapabuti ang buhay ng bawat isa lalong-lalo na sa isang pamilya.

“Dahil ang pamilya ay binuo ng Diyos, at patuloy itong magiging buo kung pagmamahal at pagpapakumbaba ang paiiralin sa ating mga puso ano man ang pagkakaiba o maging choices, desisyon sa buhay ng bawat isa.”

Giit pa ni Sarah, napakadali para sa mga tao ang manghusga at magbigay opinyon ukol sa iba ngunit sa kabila nito, ang pinakaimportante ay alam mo ang katotohanan sa puso mo.

“In my darkest hour, I was also reminded to look to God and feel his unfailing love and faithfulness through His word and grace. I have learned to find joy and peace again in God alone. The author of love and the perfecter of our faith.”

Nais ring magbigay paalala ni Sarah sa lahat na sa kabila ng pagiging abala sa kanya-kanyang buhay ay wag kalimutang pahalagahan ang bawat oras at pagkakataon na ibinibigay ng Diyos para iparamdam kung gaano natin kamahal ang ating mga loved ones.

“Malayo man sila o malapit, yakapin natin sila nang mahigpit sa pamamagitan ng pagtanggap at pagpili sa kanila.”

Nagpasalamat rin si Sarah sa mga Popsters na siyang nagbigay ng pagkakataon para mapansin ang kanyang talento bilang singer at artista.

Nagpasalamat rin ito sa kanyang manager ng halos dalawang dekada na si Boss Vic del Rosario na naging daan para maisakatuparan niya ang matagal nang pangarap at mabigyan ng komportableng buhay ang kanyang pamilya.

Sa huli ay nagbigay mensahe si Sarah sa kanyang pamilya.

“Sa aking buong Geronimo family, mula noon hanggang ngayon, kayo ang inspirasyon ko sa buhay. Para sa inyo ang aking muling pagyakap sa musika at pagkakataon na muling makapagbigay ng saya at inspirasyon sa ibang tao.

Hiling rin ni Sarah na sana ay makasama niya ang kanyang pamilya habang nabubuhay nang may pagmamahalan at kapayapaan sa kanilang mga puso dahil ito raw ang tunay na ibig sabihin ng “tagumpay” at “kaligayahan”.

Dagdag pa ni Sarah, “Muli, maraming salamat para sa inyong pagmamahal at para sa inspirasyon. Mahal na mahal ko kayo.

Related Chika:
Paglipat ni Sarah Geronimo sa GMA fake news, tuloy pa rin bilang Kapamilya

True ba ang chika…Coach Sarah, ‘The Voice Kids’ mapapanood na sa GMA 7?

Sarah Geronimo ‘honored’ sa pagkakaroon ng billboard sa Times Square, New York

Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli walang ineendorsong kandidato, kumakalat na video ‘fake news’

Read more...