TODO suporta ang fans all over the world ng BTS member na si Jin sa kanyang kauna-unahang solo single na “The Astronaut.”
Inilabas ‘yan noong October 28, pero nag number one kagad ang kanta sa “iTunes Top Songs” charts sa halos 97 na lugar sa iba’t-ibang bansa!
Kabilang diyan ang United States, United Kingdom, Germany, France, at Canada, ayon sa talent agency ni Jin na “Big Hit Music.”
Bukod pa riyan, trending din sa YouTube ang music video ng “The Astronaut” na pinagbibidahan mismo ng K-Pop idol.
Mapapanood sa video ang istorya ni Jin bilang isang “alien” na naligaw sa planetang earth – ito ang nagbigay daan para mahanap niya ang kasiyahan sa buhay at tinuring na niya itong tahanan.
Nagkaroon din ng special cameo ang British rock band na “Coldplay” na naging katuwang ni Jin sa paggawa ng kanyang kanta.
As of this writing, isang araw pa lang uploaded ang music video at ito ay umaani ng mahigit 17 million views at milyon-milyong likes.
Narito ang ilan sa mga komento na aming nabasa.
“Jin’s voice is amazing, in such a situation, I needed such relief. Thank you very much, Jin.”
“In tears, I can’t stop listening to this song. It’s something else with a lot of emotions with Jin’s magical voice. It’s truly an epic (purple heart emoji).”
“once again I’m touched by Jin’s sincerity through his song and voice.”
“I can’t stop crying every time I watch this, I’ll be waiting for you Seokjin!!!”
Kasalukuyang nasa bansang Argentina si Jin at kamakailan lang ay nagkaroon siya roon ng “special performance” sa concert ng Coldplay sa Buenos Aires.
Matatandaang noong nakaraang taon unang nagkaroon ng collab ang coldplay sa BTS sa single ng rock band na “My Universe.”
Nakatakda namang sumalang sa “mandatory military service” si Jin ngayong nailabas na niya ang kanyang solo release.
Read more:
BTS Jin, Coldplay may pa-teaser sa bagong collab song, trending sa socmed
Son Ye Jin, Hyun Bin may pa-gender reveal sa first baby, fans nagdiwang: ‘So happy for my idol’
Manny, Jinkee nagpakilig sa socmed, sabay nagboksing