Diretsahang tanong ni Korina kay Karen: Bakit sa palagay mo, pinag-aaway tayo?

Diretsahang tanong ni Korina kay Karen: Bakit sa palagay mo, pinag-aaway tayo?

SA wakas, mangyayari na ang matagal nang hinihintay na collaboration ng dalawang veteran broadcast journalist na matagal nang pinag-aaway at ginagawan ng issue.

Sa isang pambihirang pagkakataon, mapapanood nga sa isang TV screen ang award-winning news anchor at TV host na sina Karen Davila at Korina Sanchez.

Si Karen ang next na makakasama niya sa kanyang pinakabagong programa sa NET25,  ang “Korina Interviews.”

Ang dalawang broadcast journalist ay kabilang sa mga pinagkakatiwalaang tagapaghatid-balita sa bansa. Nakilala ang dalawa dahil sa kanilang  dedikasyon, pagsusumikap, at malawak na karanasan sa paghahatid ng serbisyo publiko.

Sa teaser ng “Korina Interviews,” makikita ang masayang kuwentuhan ng dalawa. Pero hindi pa rin sila nagpahuli sa kanilang “straight forward” na mga pahayag at tanong.

Sey ni Karen, takot siya kay Korina noon samantalang tinanong naman ni Korina si Karen, “Bakit sa palagay mo, pinag- aaway tayo?”

Abangan kung ano ang magiging sagot nina Korina at Karen ngayong Linggo, October 30, 5 p.m. sa NET25.

Siguradong ikagugulat n’yo ang kanilang mga rebelasyon tungkol sa mga isyu at kontrobersyang kinasasangkutan nila.

Related Chika:
Swimsuit photo ni Korina na may caption tungkol sa COVID-19 binatikos: Wala sa lugar, sobrang off

Korina: Iniiwasan ko na yung nega, wala akong opinyon sa politika, wala akong winawakwak

Korina gusto ring ma-interview sina Heart at Chiz; may nilinaw tungkol kina Loren at Robin

Read more...