BUMANDERA ang singer-actress na si Sarah Geronimo sa isang giant digital billboard sa Times Square, New York.
Na-feature kasi ang mang-aawit sa isang giant digital billboard sa Times Square bilang parte ng EQUAL campaign ng Spotify na naglalayong i-empower ang mga female artists sa buong mundo sa pamamagitan ng musika.
At nito ngang Miyerkules, Oktubre 26, ibinahagi ni Sarah ang ang larawan ng kanyang digital billboard.
She captioned her post (published as is), “Thank you so much @spotifyph for this opportunity!” saad ng aktres.
Pagpapatuloy pa ni Sarah, super grateful at isa raw karangalan ang mapasama sa kanilang malakihang campaign.
“She captioned her post (published as is), Thank you so much @spotifyph for this opportunity!”
Inanyayahan pa nga niya ang madlang pipol na patuloy na i-stream at suportahan ang EQUAL PH playlist.
“Let’s continue to celebrate women, no matter the day,” sey pa ni Sarah.
Matatandaang nitong Oktubre 6 lang nang muling maglabas ng bagong kanta ang aktres na pinamagatang “Dati rati”.
Ito nga ang nagmistulang comeback song ni Sarah matapos ang kanyang pagpapahinga mula sa makulay na liwanag ng showbiz mula nang nagsimula ang COVID-19 noong 2020.
Bukod pa rito, nito lang nang muling makita ng publiko ang aktres natapos nitong dumalo sa graduation ceremony ng kanyang asawang si Matteo Guidicelli sa isang training course sa ilalim ng Presidential Security Group (PSG).
Anyway, bukod kay Sarah ay marami na ring na-feature sa giant digital billboard gaya nina Nadine Lustre, Julie Anne San Jose, Moira dela Torre, Maris Racal, Belle Mariano Kiana Valenciano, Reese Lansangan, at Janine Teñoso.
Related Chika:
Sarah Geronimo graduate na sa culinary school, Matteo super proud
Paglipat ni Sarah Geronimo sa GMA fake news, tuloy pa rin bilang Kapamilya
True ba ang chika…Coach Sarah, ‘The Voice Kids’ mapapanood na sa GMA 7?