Naiinis ba si Iana Bernardez kapag sinasabing kaboses at kamukha niya ang inang si Angel Aquino?
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Christian Bables at Iana Bernardez
NANINIWALA kami na pwedeng-pwede ring marating ni Iana Bernardez ang naabot ng kanyang nanay na si Angel Aquino sa mundo ng showbiz.
Mabigyan lang ng magaganda at challenging na proyekto ang dalaga ay hindi imposibleng kilalanin din siya bilang isa sa pinakamahuhusay na aktres sa kanyang henerasyon.
Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press si Iana sa virtual mediacon ng bagong pelikula ng IdeaFirst Company at Viva Films, ang “Mahal Kita Beksman”.
Siya ang leading lady dito ng award-winning actor na si Christian Bables na gaganap namang anak ni Keempee de Leon sa kuwento ng pelikula.
Itinuturing ni Iana ang “Mahal Kita Beksman” na siyang pinakamalaking proyektong nagawa niya sa ilang taong pamamalagi niya sa showbiz.
Ang unang pelikula niya ay ang 2018 movie na “Gusto Kita with All My Hypothalamus”. Nanalo siyang best supporting actress sa Cinema One Originals noong 2019 sa pelikulang “Metamorphosis.”
Nainis naman ang mga manonood sa kanya nang maging kontrabida siya sa Kapamilya series na “Marry Me, Marry You” na pinagbidahan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.
Sa tanong kung may napi-feel ba siyang pressure sa pagiging anak ni Angel Aquino, “Super pressure nga po kasi I’ve lived with her all my life. Kapag nasasabi po na pareho kami ng pananalita, mannerisms…
“Siyempre as a daughter, gusto ko rin naman na ma-build yung sarili kong identity.
“It’s such an honor po to be her daughter. One, dahil siguro hindi ako nag-come in to the industry na Aquino po yung gamit ko, laging may after thought na anak pala siya.
“At least, yung entrance ko po, kahit anong gawin ko, kung hindi man nila ako kilala as Iana Bernardez muna, then after yung, ‘Ay, kaya pala magkaboses, magkamukha,’ the pressure, du’n nababalanse.
“But also, kapag nasasabi po na kahulma ko siya, kamukha, it’s an honor because sino ba naman ang mahihiyang kamukha raw siya ni Angel Aquino? Siya yun, e, so natutuwa po ako,” paliwanag ni Iana.
Ano ang isang advice sa kanya ng ina na hinding-hindi niya nakakalimutan? “Ang payo naman niya sa akin lagi is owning the space when I’m in the scene kasi medyo mahiyain pa ako.
“So I have to own my space, own my character, and just be sincere as much as possible. Yun ang mga payo niya sa akin,” sabi ni Iana.